Sa isang Beer House ng Golden Island Resort ay naroon sina Vlad at Cyrell.“Tumigil ka na sa pag-inom mo.” Ang sabi ni Cyrell habang nag-aalala kay Vlad.“Isang bote na lang, promise.” Ang naka-ngiting sagot ni Vlad.“Kaso, naka 8 bote ka na… Kaya, itigil mo na.”Nagsimulang umiyak si Vlad sabay sabi ng “Hindi pwede, itigil ko yung pagmamahal ko kay Rogelyn? Ayaw ko, dahil… Sya at ako ay 1st Love namin ang isat-isa. Kaya, hindi ako susuko.”Nalungkot si Cyrell sa kanyang naririnig at kanyang kinuha ang bote sa kamay ni Vlad at ito'y kanyang ininom.Nagulat si Vlad sa ginawa ni Cyrell sabay tanong ng “Bakit mo ininom?”“Para umuwi na tayo.”“Umuwi… Wala naman akong kasama sa bahay eh. Kaso, sige sanay naman na akong mag-isa.”At tumayo si Vlad at sya'y tumumba sa sahig, saka tumigil sya sa kanyang pag-iyak.“Vlad.” Ang sabi ni Cyrell habang nag-aalala.“Hindi ko kayang tumayo.”Huminga ng malalim si Cyrell at kanyang tinulungan na tumayo si Vlad.“Tara, alis na tayo dito.” Ang sabi ni
Last Updated : 2025-08-26 Read more