Sa pagdating ng hapon, sina Vlad at Cyrell ay papunta sa Victory Medical Center.“Ibig sabihin, nung huling araw natin sa Golden Island Resort… Nakita tayo nila Sean at Rogelyn na nagsisiping?” Ang tanong ni Vlad habang nag-dri-drive ng kotse.“Oo, saka inamin ko rin kay Sean na sinipingan natin ang isat-isa nung araw na yun.” Ang sagot ni Cyrell.Huminga ng malalim si Vlad sabay sabi ng “Ihanda mo ang sarili mo, baka sapakin tayo ni Rogelyn.”Ngumiti si Cyrell at sumagot ng “Handa ako palagi kapag kasama ka.”“Kahit anumang mangyari mamaya, ay… Wag na wag mong sasaktan si Rogelyn.”“Opo, pangako hindi ko sya sasaktan.”Sa kanilang pagdating sa Victory Medical Center, sila ay nagtungo sa silid na kinaroroonan ni Rose.“Asaan si Rogelyn?” Ang pagtatakang tanong ni Vlad sa kanyang sarili habang tumitingin sa paligid.Lumapit si Cyrell kay Rose sabay sabi ng “Magandang hapon po, ako si Cyrell Mendoza.”Tumingin si Vlad kay Cyrell sabay sabi ng “Sila ang nag-alaga sa akin sa orphanage, si
Last Updated : 2025-08-30 Read more