Sa pagbalik ni Rogelyn sa Private Hospital ng Victory Medical Center, sya ay nagtungo sa silid kung nasaan si Rose.“Ma, dumating na po ako.” Ang sabi ni Rogelyn sabay halik sa noo ni Rose.“Ma, nakakagulat po ang nangyari ngayon… Sapagkat, muli kaming nagkita ni Vlad… Ngunit, hindi ko sukat akalain na… Sya ay personal assistant ng Fiance ni Sean.”Kinuha ni Rogelyn ang kanyang CP at kanyang search ang picture ni Cyrell sa social media at ito'y pinakita kay Rose.“Ma, ito po yung babae na Fiance ni Sean at sya rin ang babae na sinisipingan ni Vlad sa aking likuran… Yang babae na yan ay nakakatakot ang kanyang ugali… Sapagkat, niloloko nya ang kanyang Fiance na si Sean at kanyang inagaw si Vlad sa akin.”Nagsimulang umiyak si Rogelyn.“Ma, nakararamdam po ako ng awa sa kanila Vlad at Sean… Sapagkat, silang dalawa ay nahulog sa babaeng manloloko na nga sinungaling pa.”Kanyang hinawakan ang kamay ni Rose.“Ma, bakit hindi nila makita ang pangit na ugali ng babaeng iyon.”Sya'y nakatangg
Huling Na-update : 2025-08-22 Magbasa pa