“Inay, Itay, kailangan na po naming umuwi at maaga pa po ang mga pasok namin bukas...” Paalam ko sa dalawang matanda. Hindi ko napansin na alas dyes na pala ng gabi dahil sobrang nalibang kami sa masayang kwentuhan na namagitan sa amin.“Ako na po ang bahala sa kanila Itay at Inay, Ihahatid ko po sila sa bahay nyo lalo at gabi po na. Hindi natin napansin ang oras.” Magalang na sabat nit Kent na nag mano na din sa Inay at Itay. “N-Nako, wag na nakakahiya na Kent... Kaya na namin ni Mi...” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang putulin ito ang salita ko.“I Insist! Ayaw kong mag alala sila Itay at Inay, isa pa ay nakapagpahinga na naman ako at maraming salamat po sa inyo.” Nakangiting sabi ni Kent.“Oo nga Iha, mahirap na at gabi na maige nang sumabay na kayo kay Dock Kent para panatag ang kalooban namin sa pag uwi nyong magkapatid.” Sabi ni Itay habang lumapit naman si Mike sa mga ito upang magmano at magpaalam na din.“Hmm, s-salamat ah... At pasensya na din sa abala...” Nahihiyang s
Read more