Hindi kaagad nakapa sagot ang babae sa kabilang linya na medyo ikinabahala ko kaya nag salikop ako ng kamay sa ibabaw ng aking lamesa habang matiyagang hinihintay ang sagot nito kay Richard.“Hmm, nakakahiya naman... Alam kong busy ka... Padala ko na lang kaya sa legal team nam...” Hindi pinatapos ni Richard ang minumungkahi ng dalaga at kaagad na hinarang niya iyon.“No, it’s okay... Pupunta din naman kasi kami... I mean ako ngayon dyan... May mga kailangan din akong asikasuhin dyan...” Mabilis na sagot ni Richard kay Kiara.“A-Ah... Ganun ba? Sakto lang pala... Sige, kita na lang tayo dito sa hotel Sir ah... Balitaan mo ako... Itetext ko sayo yung number na gamit ko sa whatsapp doon mo na lang ako i-message...” Sagot ng dalaga kay Richard na kaagad na nagpangiti sa akin.“Sige, Kia... See you later!” Sagot ni Richard dito.“See yah!” May accent na paalam ni Kiara kay Richard bago nito tuluyan na ibaba ang tawag.“Good job, ‘chard.” Malokong ngiti na pag puri ko sa binata.Napapaili
Read more