“S-sorry po”. Hingi ko ng paumanhin dito. Tahimik at walang kibuan kami ni Boss L hanggang sa maka baba at makasakay sa sasakyan nito.First time namin maka tapak sa kumpanya ng mga Garuche, kadalasan kung hindi magki-kita sa labas, ay sa opisina ni Boss L sila magu usap.Malaki din ang kumpanya ng mga ito, ngunit kumpara sa kumpanya ni Boss L, di hamak na katiting lamang ito. Sa SGDPC, halos lahat ay nandoon na, mayroong coffee shop, restaurants, pastry corners at recreational activities at ito ay eksklusibo lamang para sa manggagawa nito. At isa ako sa mga masu-swerteng empleyadong iyon. Makakabili kami sa mababang halaga kumpara sa orihinal nitong presyo sa labas, kaya madalas ay sinasamantala din ito ng mga kapwa kong empleyado lalo tuwing sahod. Ang recreational activity center ay libre para sa lahat ng tao ng SGDPC kasama na ang gym nito. Sa recreational activity center ay naroon ang mga sports at mga games na pwedeng pagka abalahan namin, katulad ng billiards, swimming pool, b
Mehr lesen