Luna’s POV "…please, make him happy." Huling habilin niya bago nagpasyang tumayo at iniwan ito roon. True to what she asked from Maddison, nagawa nito ang hinihingi niya. Hindi niya alam kung paano nito iyon nagawa pero isa lang ang ibig sabihin noon, she's really nothing for Brix, but a shadow of Maddison. From that night, on her birthday, umalis na siya. Hindi na hinintay pa ang umaga. Hindi na rin siya nag-abalang iwanan ito ng mensahe para magpaalam. Wala na ring nagawa si Maddison dahil alam nito kung gaano siya kadesidido sa desisyon niya. Lumipas ang tatlong araw, sa LA muna siya nanatili, sa mga magulang niya. Wala pang alam ang mga ito. Hindi pa siya handa. Siguro ay kapag nasa processing na ang papeles ay saka niya sasabihin ang lahat. Sabi sa kanya ni Shawn, ito na ang bahala sa lahat. Mapapabilis din naman agad iyon kung wala namang kumplikasyon sa dalawang panig and she doubt Brix will change his mind. Katatapos niya lang maghakot ng gamit sa dating opisina. Pala
Last Updated : 2025-08-28 Read more