"Cheeerrsss best friend, I love you...your awesome really," ika ni Jam saka humiyaw habang tinataas ang champagne glass nito. Ngumiti ako dito at dinampot din ang aking champagne glass saka ito nilagyan ng alak. Nag cheers kaming lahat except sa mga lalaking nanunuod lang sa amin. May pasayaw sayaw na rin kami habang umiinom hanggang sa tumayo itong si Jam at nagsalita."Ako din, gusto ko ring kumanta sa harap para sa love ko," ika nito na medyo may pasuray suray ng lakad. Sinabihan siya ni William na huwag ng pumunta doon pero nagpumilit ito at sinamaan ng tingin itong si William."Bakit nahihiya ka ba sa akin? Ayaw mo bang marinig ang boses ko, kahit naman ganito ako may class din naman itong aking boses kaya tumigil ka diyan. Pagbigyan mo na ako love, minsan ko lang gagawin ito," ika nito kay William. Napailing si William at hindi na nagsalita pa, hinayaan na lang sa kung anong gagawin nito na kinangiti ko. Pumunta sa harapan itong si Jam at kinuha ang mic bago nagsalita."Cheska,
Terakhir Diperbarui : 2026-01-25 Baca selengkapnya