Nang Matapos ang discharge order ay nagpunta na sina Zera at Drew sa mansyon ng mga Reyes."Nasan po sila daddy Manang Isabel?" Tanong ni Zera."Oh Zera ikaw pala... Nasa study room ang daddy mo kasama ang mommy mo hija." Sambit ni mang Isabel kay Zera."Salamat po Manang." Sambit ni Zera.Hindi nakasara ng mabuti ang pinto ng study room kaya narinig ni Zera na nag-uusap ang dalawa. Sa mga narinig ay hindi agad kumatok si Zera."Bakit naman kasi si Zera pa ang ipinakasal mo sa mga Monteverde, Gilbert? Nagmumukha tuloy kabit ngayon ang anak mo." Sambit ni Cynthia."Iyon ang gusto ng matandang Monteverde. Wala akong magagawa Cynthia." sambit naman ni Gilbert."Kung pinilit mo sana na si Zoe na lang ang maipakasal kay Vladimir ay hindi sana nag-mumukhang kabit ang anak mo." Sambit ni Cynthia sa asawa."Look, si Zera ang gusto ni Don Rafael para kay Vladimir. Hindi ko pwedeng kontrahin yon dahil hindi niya itutuloy ang buong tulong niya satin. Sa tingin mo ba kung ako masusunod siyempre s
Huling Na-update : 2025-08-19 Magbasa pa