NANCY“H-Hindi!” malakas kong sigaw habang umiiyak, “Sino kayo para alisin ang anak ko sa akin?! Wala akong pakielam kung maging abnormal o sakitin pa siya. Hayaan ninyo siyang mabuhay at maipanganak! Hindi naman kayo ang mag-aalaga kundi ako! May pera rin ako para ipangsuporta sa kanya! Kaya tumigil kayo sa mga walang kwentang plano! Mga wala ba kayong puso?”Hindi nakasagot si Shane maski ang doctor na nagkatinginan. Niyakap ako ni Shane para pakalmahin.“Okay, pasensya ka na. Ayoko lang kasi na masaktan ka kung dumating ang time na hindi siya lumaking normal. Iniisip ko lang ang mararamdaman mo. Alam ko gaano kasakit ang mawalan ng minamahal, para na rin akong pinatay rin. Ayokong mangyari iyon sa’yo,” sagot ni Shane.Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi saka seryosong tinignan si Shane, “Patayin ninyo na rin ako kung gusto ninyong kunin ang anak ko.”Mistulang na offend naman si Shane, “Dahil ba anak ‘yan ni Dwayne?” halos bulong pero may diin nito na sabi.“H-Hindi, sinabi ko nama
Last Updated : 2025-11-11 Read more