SHANEHindi ko inaalis ang paningin ko sa anak kong BJ na wala pa ring malay. Kakatapos lang ng operasyon para alisin ang bala sa dibdib nito, puno ito ng iba’t ibang mga suwero at oxygen ang maliit at payat na katawan nito. Hanggang sa sabihin ng doctor na nasa maayos na itong kalagayan at wala ng panganib sa buhay nito ay saka palang ako nakahinga ng maayos.“Mr. Lincoln, safe na po ang anak ninyo, kailangan nalang niya mag recover pero sa ngayon ay hindi na kritikal ang lagay niya,” sabi ni Dr. Cruz.Tumango ako, “Kayo muna ang bahala sa kanya. May kakausapin lang ako sa labas,” sagot ko habang hinahanap si Nancy.Paglabas ko ng ICU ay lumingon ako kabila’t kanan pero wala roon si Nancy. Isa sa mga body guard ako ang humahangos na tumatakbo. Namumutla ito kaya nakaramdam ako agad na may problema.“Sir! Si Ma’am Nancy po aay dinukot! Pero may roon na tayong mga tao na humahabal sa van na tumangay na sa kanya, may mga pulis na rin na naka alerto ay hinuli ang nurse na kasabwat,” sabi
Huling Na-update : 2025-10-27 Magbasa pa