NANCYIsang araw lang ako tumagal sa ospital. Ayaw ko talaga doon, at mas lalo ayaw ko katabi si Shane buong magdamag. Kahit sobrang asikaso siya, kahit sweet siya, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Kaya kinabukasan, sinabi ko sa doktor na okay na ako, kaya ko nang umuwi.Pag-uwi namin, halos literal na malaglag ang puso ko. Gusto kong makita si BJ. Gusto kong makabalik sa basement para masigurado kung nakatakas ba si Giselle gamit ang cellphone na iniwan ko. Sana nakatawag siya ng pulis. Sana nailigtas siya.Pero pagpasok pa lang namin sa gate ng mansion…May nag-aayos sa garden.Tatlo o apat na tao, may dalang pala, may wheelbarrow, may mga halaman. May isang malaking hukay sa gitna ng garden, malapit sa mismong lugar kung saan nakatago ang pinto ng basement nina Giselle.Agad akong kinabahan.“Shane… ano ’to?” tanong ko.Lumapit siya sa akin, malambing pa rin ang boses. “Magpapalandscape tayo, babe. Kaya pinaayos ko na. Mas papagandahin ko yung garden.”Halos mabingi ako.Landsca
Last Updated : 2025-11-25 Read more