Mula sa bintana ng kotse, tanaw ni Kira kung paano pagalitan ni Rage sina Klaire at Chris sa parking lot. Sa mukha pa lang nito, kitang-kita na ang poot.Nakahinga nang maluwag si Kira dahil sa wakas, ang malaking tinik na sumisira ng kaligayahan niya ay mawawala na sa kanyang buhay. “I’m sorry kung inakusahan kita,” mahinang wika ni Miguel, nagsisisi ang boses. Napakasaya niya ngayon. Una ay ang dalawang bilyon na nakuha niya sa kumpanya nang hindi nahuhuli, ‘tapos ay mawawala na si Klaire sa buhay niya, at ngayon… nag-sorry sa kanya si Miguel na siyang pinakahinihintay niya simula kahapon. "It’s okay. Wala kang kasalanan. Natural lang na mas pinaniwalaan mo si Ate Klaire kaysa sa akin," kunwari’y malungkot niyang sagot. Ayaw niyang magmukhang excited at masaya. “Don’t talk like that, Kira.”Matagal nang pinag-aralan ni Kira kung paano kumilos si Klaire kay Miguel. Para makuha ang atensyon ng asawa, gagayahin niya ang mga bagay na ginagawa noon ng stepsister niya. Handa siyang mag
Read more