Kinabukasan, gabi ng Sabado.Naglinis si Vina ng buong bahay. Nagluto siya ng kare-kare at sinigang—mga paborito ni Matthew. Inayos niya ang mesa, sinigurong maaliwalas ang sala, at isinusuot ang pinaka-komportableng damit niyang maayos pa ring tingnan.Dumating si Matthew bandang alas-siyete. Nakaputing polo at dark jeans, may dalang maliit na box ng pastries.“Magandang gabi, Vic,” nahihiyang bati ni Matthew nang bumungad si Vic sa pinto.“Hindi bagay sayo, Matthew. Tsk, pumasok ka nalang,” tugon ni Vic. Mahinang natawa si Vina sa pagsusungit ng ama. Dinala ni Matthew ang bitbit niya sa mesa. “Para sa inyo. Galing sa bagong bake shop sa tapat ng office namin.”“Sige, salamat,” sagot ni Vic habang inaabot ito. “Upo ka na. Sabayan mo kami.”Nagsimula ang hapunan. Sa simula’y puro tanong ni Vic tungkol sa kung ano-anong nangyari kay Matthew sa nakalipas na buwan. Parang ganoon pa rin naman kung paano sila mag-usap, parang magkaibigan pa rin na hindi nagkita nang matagal.Sinagot lahat
Last Updated : 2025-08-30 Read more