Kalipunan ng mga maiinit na kwento ng pagnanasa, tukso, at bawal na pag-ibig. Mga kwentong magpapaalab ng damdamin at maghahatid ng init sa bawat pahina.
View More“Loreen, ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na ayusin ang sarili mo! Napaka-pasaway mo! Para sayo rin naman ang sinasabi ko, para sa kaligtasan mo!”
Napairap si Loreen habang nakasandal sa pintuan ng kanyang silid. Pinagmamasdan niya ang ama niyang si Don Emilio na halatang iritado na naman sa kanya. Nakakunot na naman ang noo nito kaya naman litaw na litaw ang wrinkles dahil sa edad niya.
Kadarating lang niya mula sa isang party kagabi at tulad ng dati, napagalitan na naman siya. Hindi na ito bago sa kanya.
Ang sabi kasi ng Daddy niya ay umuwi ng maaga, eh mali yata ang pagkakarinig ni Loreen kaya umuwi siya ng umaga.
“Dad, ang OA mo naman,” sagot niya sabay tapon ng bag sa kama. “Umuwi naman ako nang maayos, ‘di ba?”
Huminga nang malalim si Don Emilio at tinitigan siya nang matalim. “Loreen, hindi mo naiintindihan kung gaano ka delikado ang buhay mo. Ang buhay natin. Alam mo naman tumatakbo ako para Mayor! Marami tayong kaaway at hindi kita kayang bantayan palagi.”
Napataas ang kilay ni Loreen. “Ano na naman to? Magpapadala ka na naman ng isa sa mga walang kwenta mong tauhan para ‘bantayan’ ako? Pwede bang ‘wag na lang, Dad? Hindi ko naman sila kailangan.”
Ngumisi ang kanyang ama pero iyong bang nakakatakot, “Hindi na ako makikipagtalo sa’yo. Pagod na ko sa ka-pasaway-an mo, hija. Hinahayaan kitang magliwaliw pero sumusobra ka na. Kaya nakahanap na ako ng tamang tao para diyan.”
“Whatever.”
Kampante si Loreen dahil alam niyang kaparehas na naman ang ng dati niyang mga bodyguard ang ibibigay ng Dad niya. Yung mga nadadala sa pagpapacute niya o kaya naman ay nasusuhulan niya.
“Responsable ito at sigurado ako roon. Hindi mo siya madadala kahit ano pang gawin mo.”
Napataas ang kilay ni Loreen. Sa dinami-dami ng bodyguard na dumaan sa buhay niya, lahat napapaikot lang niya sa kanyang mga kamay. Madali lang naman eh. Isang matamis na ngiti, kaunting papansin, at ayun, sunod-sunuran na sila sa kanya. Pero ang sinabi ng kanyang ama ngayon ay para bang hinahamon.
“Sige nga, tingnan natin,” sabi niya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matangkad at matipunong lalaki. Naka-black shirt ito at cargo pants. Maganda ang tindig nito at seryosong-seryoso. Walang bakas ng interes o pagkailang sa presensiya ni Loreen. Diretso lang ang tingin nito sa kanyang ama.
“Loreen, si Kael. Simula ngayon, siya na ang bahala sa’yo.”
Tiningnan ni Loreen si Kael mula ulo hanggang paa. Infairness ah, walang duda na gwapo ito. Matangos ang ilong, maganda ang panga pero ang mga mata nito’y para bang laging may kaaway sa talim tumitig.
Hindi nagpatalo si Kael dahil sandaling lumapat rin ang mga mata nito kay Loreen na pra bang inii-scan ang buong pagkatao niya. Ngunit sa halip na mainis, natawa si Loreen sa loob-loob niya.
“Seryoso, huh?” bulong niya sa sarili. “Tignan ko lang sa katagalan.”
“Mam Loreen,” walang emosyon na bati ni Kael sabay bahagyang tango.
Napailing siya. “Loreen na lang, please. At saka, huwag mo akong tawagin na Mam, masyado akong nagmumukhang matanda.”
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Kael. “Kung iyon ang gusto niyo, Miss Loreen.”
Pinandilatan niya ito. “Loreen nalang.”
Tahimik pa rin si Kael, halatang hindi nagpapadala sa kanyang tono. Napasimangot si Loreen. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng lalaki. Karaniwan ay tinatablan agad ng kanyang mga pagpapacute at pagpa-pabebe.
Pero siya si Loreen. Alam niyang sa katagalan ay mabibihag niya rin si Kael sa alindog niyang taglay.
“Kael, gusto ko lang ipaalala sa’yo na ayoko ng may nakakasunod-sunod sa akin kung saan-saan,” ani Loreen sabay tingin sa kanyang Dad na para bang ipinapaalam na hindi siya basta-basta susunod.
“Hindi ako aalis sa tabi mo, Loreen. Trabaho ko ‘yun,” malamig na tugon ni Kael.
Napatigil siya saglit. May kung anong kilabot na gumapang sa kanya nang marinig niya ang boses nitong mababa at puno ng awtoridad.
Akala naman nito ay basta basta lang papatalo si Loreen? Huh, neknek nya!
“Ganun ba? Tingnan natin kung hanggang saan mo ako masusundan,” pabirong sabi niya bago lumapit kay Kael at inilapit ang mukha sa kanya. “Sana hindi ka madaling mapagod, Mr. Bodyguard… ko.”
Walang naging reaksyon si Kael. Tumikhim lang ito at tumalikod sa kaniya.
“Loreen, huwag mo ngang pinagloloko ang bodyguard mo ha. Paano ba yan, ikaw na ang bahala sa makulit na ito, Kael. Aasahan kita. Pabayaan mo siyang magsaya pero dapat may limitasyon.”
Tumango si Kael, “Yes, Sir.”
Pinagmamasdan lamang ni Loreen si Kael at sa loob-loob niya ay naiintriga na siya. “Mukhang magiging interesting ito ah.”
Kinabukasan, sinimulan nang subukan ni Loreen ang pasensya ni Kael. Gumimik siya kasama ang mga kaibigan at sinadya niyang isama ito sa isang high-end bar. Halatang hindi ito komportable sa ingay at dami ng tao pero nanatili ito sa tabi niya.
“Para ka namang estatwa diyan, Kael,” bulong niya habang sumasayaw sa harapan nito. “Relax ka lang, hindi kita kakainin.”
Hindi man lang ito nagpatinag, bagkus ay lumingon lamang at siniguradong walang lalaking lalapit sa kanya.
“Boring,” inis niyang sabi bago lumayo at sumayaw kasama ang mga kaibigan. Pero kahit anong pilit niyang kalimutan ang presensiya ni Kael, pakiramdam niya ay pinagmamasdan pa rin siya nito. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, may kakaibang seguridad siyang nararamdaman.
Maya-maya, isang lalaking estranghero ang lumapit sa kanya at sinubukang isayaw siya. Akmang sasayaw na sana siya nang maramdaman niya ang biglang paghila sa kanyang kamay.
“Lumayo ka,” malamig na sabi ni Kael sa lalaki habang hinahatak siya palayo.
“Ano ba, Kael?!” reklamo niya pero hindi siya nito binitiwan hanggang makarating sila sa labas ng bar.
“Huwag kang basta-basta sumasama sa kung sino-sino,” matigas na sabi ni Kael.
“Sumasama ba ko, ha?! Eh nagsasaya lang naman. Sumasayaw lang kami! My god.”
Ngunit kalaunan ay napakagat-labi si Loreen. Sa halip na mainis, natagpuan niya ang sariling tinititigan ito nang matagal.
“Ayoko sa lahat ‘yung pinagsasabihan ako, Kael,” may lambing na sabi niya subalit hindi niya mapigilan ang sariling ngumiti.
Hindi ito sumagot at binitiwan lang ang kanyang kamay. Sa halip na tumalikod, naglakad ito papunta sa sasakyan at binuksan ang pinto.
“Umuwi na tayo, Loreen.”
Napairap si Loreen pero sumakay na rin. Sa loob ng kotse, tahimik siya habang si Kael ay seryoso pa rin sa pagmamaneho.
Sa unang pagkakataon sa buhay niya, hindi niya alam kung paano kontrolin ang sitwasyon. Hindi niya alam kung bakit, pero isang bagay ang sigurado siya. Gusto niyang basagin ang pader na itinayo ni Kael sa pagitan nila.
At hindi siya titigil hangga’t hindi niya ito nagagawa.
Malamig ang hangin nang lumabas si Elle mula sa opisina. Ito na ang huling beses na tatahakin niya ang hallway na ito. Matagal niyang pinag-isipan ang desisyong ito, pero sa huli, alam niyang ito lang ang tamang gawin. Hindi niya kayang manatili sa kumpanyang ito kung araw-araw ay makikita niya si Noah at kung patuloy siyang maaakit sa isang lalaking hindi niya kailanman maaaring mahalin.Bitbit ang kahon ng kanyang gamit, naglakad siya papunta sa elevator. Wala siyang balak magpaalam kay Noah. Wala siyang balak ipaalam dito na siya mismo ang sumusuko.Ngunit hindi siya nakalayo.Mabilis na sumulpot si Noah sa harapan niya, hinarangan ang dadaanan niya. Nakasuot pa ito ng itim na dress shirt, bahagyang nakabukas ang ilang butones sa may leeg. Mukhang kakarating lang nito mula sa meeting pero sa ekspresyon nitong puno ng emosyon, alam niyang hindi iyon ang dahilan ng pagmamadali nito.“Elle,” malamig pero nanginginig ang boses nito. “Anong ibig sabihin nito?”Hindi siya sumagot. Lalo ni
Habang lumilipas ang mga linggo, hindi maitatangging nagiging mas possessive si Noah.Nagsimula ito sa maliliit na bagay. Halatang-halata kasi ang mga matatalim na titig nito sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya o kaya naman ay bigla na lang siyang hihilahin palayo sa isang usapan para lang mapag-isa sila.Pero nang makita niya itong halos magalit nang may kasamahan silang nag-ayang lumabas siya para mag-dinner, alam niyang lumalampas na sa boundary nila si Noah.“Hindi mo kailangang sumama sa kanya,” malamig na sabi nito habang nakasandal sa desk niya, nakatitig sa kanya.Napailing si Elle, pilit na pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Noah, kasamahan natin siya sa trabaho. Wala kang karapatan na pakialaman kung sino ang gusto kong makasama.”Bahagyang tumingala si Noah, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ah, gano’n?”Tumayo ito, lumapit sa kanya, hanggang sa halos magdikit ang kanilang katawan.“Hindi kita pag-aari, Elle,” bulong nito at mariing hinawakan ang ka
Hinila niya ang kuwelyo ni Noah at siniil ito ng halik. Saglit lang siyang nagpatumpik-tumpik pero nang maramdaman niya ang labi at dila nitong gumalaw rin ay lalo siyang nadarang. Mabilis siyang isinandal ni Noah sa pinto ng kotse habang ang kamay nito bumalot sa baywang niya para ihapit siya palapit. Ramdam niya ang tigas ng katawan nito at ang init na tila lumalabas sa damit nila.Mabilis na binuksan ni Noah ang pinto at bago pa siya makapagtanong, iginiya siya nito papasok.Nang makapasok sila sa loob ng kotse ay hindi na talaga nila kayang pigilan. Hindi na nila kayang magpanggap.Hinila siya ni Noah paupo sa kandungan nito habang kamay niya mahigpit na nakahawak sa bewang ni Elle. “Tingnan natin kung kaya mo pa akong artehan ngayon. Hirap na hirap akong di mo ko pinapansin.”Napasinghap si Elle nang maramdaman ang maiinit na labi ni Noah na gumapang sa kanyang panga, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa kanyang collarbone. “Noah…” Hindi niya alam kung pagtutol o pag-halinghing
Dumating ang isang malaking company event sa isang hotel. Parehong dumalo sina Elle at Noah, parehong alam na ang promosyon ay halos abot-kamay na. Walang humpay ang pagpapakitang-gilas nila sa mga boss na nandoon lalo na’t parehas naman silang magaling sa pakikisalamuha. Busyng- busy sila na dalhin ang kani-kanilang mga bangko.Pero kahit anong gawin nila, hindi nila kayang hindi magkasalubong.Magkasamang nakatayo sina Elle at isang senior executive nang lumapit si Noah na may hawak na inumin.“Sir, gusto niyo po bang marinig ang opinyon ko tungkol sa project natin?” sabi ni Noah habang nakatingin sa kausap ni Elle.Nagpanting ang tenga ni Elle. Mabilis niyang inexcuse ang kanyang sarili bago hinila si Noah papalayo doon. Nakakainis na dahil nanlalamang ito! “Ano ba! Oras ko yun ng pakikipag-usap eh! Takot na takot ka ba na malaman nilang kaya kitang talunin sa kahit anong laban?”Bahagyang lumapit si Noah at bumaba ang boses. “Mas gusto mo ba kung ibang klase ng laban ang subukan
“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Noah habang nakasandal sa pinto at nakatiklop ang mga braso. Ang suot nitong puting polo ay bahagyang nakabukas ang itaas na butones at kahit ayaw niyang aminin, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito ka-distracting tingnan.“Dami pang kailangang tapusin,” sagot niya, hindi tumitingin. “Baka gusto mong sabay na tayong umuwi,” ani Noah hbang lumalapit nang dahan-dahan. “Alam mo namang delikado na kapag gabi. Baka may magtangka pang masama sa’yo.”Ano?! Tama ba ng narinig si Elle?! Si Noah, inalok sya na sabay na silang uuwi?!Napataas ang kilay ni Elle at sa wakas ay tumingin sa kanya. “Ikaw siguro ang may balak.”Napangisi si Noah. “Ako ang huling kasama mo, kargo ko pa pag may nangyari sayo. Tsaka ano bang balak ang sa tingin mo mayron ako sayo? Hmm?”Tumaas ang temperatura sa loob ng silid. Lalong bumibigat ang tensyon sa pagitan nila. Ilang hakbang na lang at halos magkalapit na ang kanilang mga katawan. Naririnig ni Elle ang sariling paghinga a
Mainit ang panahon nang pumasok si Elle sa opisina. Ang suot niyang fitted white blouse at high-waist pencil skirt ay lalong nagpatingkad sa kanyang mataray na aura. Rinig na rinig ang takong niya habang naglalakad siya. Ngumiti lang siya nang makita ang mga ulong napapasunod niya sa bawat hakbang niya.Hmmm. Mukhang magiging maganda ang araw ko.Ngunit sa kanyang pag-upo sa desk, isang pamilyar na boses ang sumira sa kanyang umaga.“Maaga ka yata ngayon, Elle.”Napakurap siya at dahan-dahang inangat ang tingin. Nasa tapat ng cubicle niya si Noah na nakasandal sa gilid, nakataas ang isang kilay, at may pilyong ngiti sa labi. Naka-roll up ang manggas ng navy blue dress shirt nito na kaya naman lalong naging obvious ang matikas nitong bisig.“At ikaw, late ka pa rin gaya ng dati,” mataray niyang sagot. “Paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang dumating sa oras?”“At paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang pakisamahan ang mga katrabaho mo?” ganting sagot ni Noah habang lumalapit pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments