Halos mabato ni Naomi si Lemuel ng dala niyang bag dahil sa sobrang kapilyuhan. Nang makarating sila sa basketball area, kinuha agad ni Naomi ang bola at binato kay Lemuel. “Aray, para saan yon, Naomi? ” tanong ni Lemuel habang hinimas-himas ang balikat kung saan tinamaan ng bola na binato ni Naomi. “Para yan sa kamanyak mo! Ulitin mo pa dahil hindi lang yan ang aabutin mo, Lemuel. Sumosobra ka na. Hindi kana makakaulit,” singhal ni Naomi kay Lemuel at nagsimula ng magtapon ng bola sa ring. “Hindi ako papayag, Naomi.” "Wala akong pakialam sa opinyon mo, kapag ako ang nanalo habang buhay kang hindi makakatikim ng halik, at kapag ikaw naman ang nanalo don't bother me for the whole night as what you said." “Pero, ikikiss mo pa rin ako? ” “No. Hinalikan mo na ako kanina; advance ang tawag diyan. Ay, hindi pala take advantage! ” Nakasimangot na humarap sa ring si Lemuel at seryusong nagpa-shot ng bola sa ring; hindi niya gustong matalo sa laro kung saan ang bisyo niya ang kapalit.
Last Updated : 2025-09-01 Read more