Saitlyn's POV Nagiisa ako ngayon dito sa loob ng office, may biglaang meeting with the investor si Sky na pinagpasalamat ko. Ayoko syang makita at makasama, alam kong kanina pa lang ay gusto na nya akong lapitan. Pilit ko na lang inaabala ang sarili sa mga gagawing paperworks na andito at tamabak na naman sa mesa ko. Siguradong isinama na naman ni Alice ang mga dapat gawin nya dito, binuklat ko ang checklist kung saan nakalagay ang list ng meetings ni Sky para ngayong linggo. Napalunok ako ng makitang may schedule sya ng limang araw sa Malysia, na dapat ay kasama ang secretary. No, hindi ko sya kayang makasama ng ganung katagal binitawan ko ang hawak ng biglang mag-ring ang phone ko. Nang tingan ko ito ay si Baby Bear ——yung cute na bata na binisita ko sa probinsya na kamukhang kamukha ng Tatay nya. " Hello baby ? " nakangiti at malambing kong bati, " Hello Tita Mommy, umalis ka agad ? I wake up wala ka na sa bed po, " rinig ko ang pagtatampo sa boses nito, " I'm sorr
Last Updated : 2025-09-09 Read more