Natigilan sina Loraine at Cleo sa paglilinis ng shop nang makita nila kung sino ang dumating. Si Khaleb, nakapamulsa at halatang nahihiya ito sa lahat ng nangyari.“O Khaleb ikaw pala, halika tuloy ka,” paunlak ni Cleo.Nagpatuloy lang si Loraine sa kanyang ginagawa.“Kausapin mo siya,” bulong ni Cleo kay Khaleb. Pagkasabi ay umalis na ito. “Ahm… Loraine pwede ba tayong mag-usap?”“Khaleb, ang sabi ko ate Loraine ang itawag mo sa akin.”Napatungo si Khaleb. “Okay, ate Loraine.”“Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na dahil marami akong ginagawa.”“I’m sorry Lor… ate, Loraine.”“Khaleb, kapatid lang ang turing ko sayo. Wala nang hihigit pa doon, kaya please, huwag kang mag-expect na susuklian ko ang pagmamahal na sinasabi mo. You caused me so much trouble with your uncle.”“I know, kaya nga ako nandito e, gusto kong bumawi sa inyo.”“Huwag na Khaleb, sapat na ang paghingi mo ng sorry.”“Ibig sabihin ba pinapatawad mo na ako?”“Oo pero hindi na siguro tayo magiging katulad ng dat
Terakhir Diperbarui : 2025-09-22 Baca selengkapnya