Paglabas ni Ibrahim ng kwarto, hindi niya nagustuhan ang kanyang nakita. Mga maletang nakabalandra sa sala at paalamang walang humpay. Lalo na si Disney, sa maikling panahon ay lalong napamahal ito sa mga kasambahay nila.“What is this?” nagtatakang tanong niya.“Babalik na kami sa bahay namin Ibrahim,” nakangiting paliwanag ni Loraine.“Uncle Ib, dadalawin mo po ako ha,” pakiusap ni Disney.“Di ba usapan na natin na one week,” baling niya kay Loraine. “My house can’t wait, baka mabulok na lang siya. Kailangan na niya ng init namin,” patalinhagang sagot ni Loraine. “Sige na Disney last hug na kay Uncle Ib, nasa labas na ang sasakyan natin.”“Opo mama.” Niyakap nito si Ibrahim ng buong higpit.“Bye Ibrahim, salamat sa lahat, I really appreciate it.” Pagkatapos ng salita, hinalikan ni Loraine sa pisngi si Ibrahim. He felt the warmth of her kiss na talagang nakakatunaw ng puso. “I will wait for you to come to me,” bulong pa nito. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na hapitin ang b
Terakhir Diperbarui : 2025-11-01 Baca selengkapnya