Alam kong hindi pa tapos ang mga problema namin ni Leandro, pero nakagaan sa pakiramdam ko ang mga sinabi ni Leandro sa press conference. Marami pa rin sulirinan sa relasyon namin at kahit papaano ay nabawasan na 'yon, at malaking bagay na 'yon para sa akin. Ang mahalaga ay sa wakas nabigyan na ng linaw lahat ng mga kasinungalin ni Luciana, at hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang sarili ko dahil si Leandro na mismo ang gumawa no'n para sa akin. Nawala ang mga bulungan sa kumpanya no'ng pumasok ako sa sumunod na araw. Ang iba ay naging maayos ang pakikitungo sa akin at ang iba ay sila na mismo ang unang bumabati sa akin. Ang iba naman ay parang wala lang nangyari dahil susulyap lang sa akin sandali at iiwas ng tingin. Tanggap ko naman na ang iba sa kanila ay hindi basta-basta matatanggap ang katotohanan, dahil isa lang naman akong hamak na babaeng mahirap na biglang nakapasok sa ganitong mundo. Samantalang sila ay matagal na rito, pero hindi man lang nabigyan ng kahit na kaont
Last Updated : 2025-10-27 Read more