They say money can't buy happiness. But whoever said that clearly never had to choose between eating dinner or saving for rent.
Mahirap maging mahirap.
While some girls were out there posting latte art and luxury heels, ako nandito sa sidewalk, hoping someone would buy my handmade accessories so I could afford my Lola's medicine. Paano ba naman kasi, gustong bilhin ng client ko ang mga gawa ko sa murang halaga at dahil hindi ako pumayag, hindi niya na tuluyang binili!
Hindi ko na rin alam ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan hanggang sa naagaw ng isang itim na sasakyan ang atensyon ko. I watched a shiny black car park across the street, chrome rims, tinted windows, engine that purred like a rich man's ego. Napanganga ako nang makita ang isang lalaki na lumabas mula sa sasakyan na 'yon. He's holding a phone that cost more than my entire barangay's monthly income.
Napatingin tuloy ako sa tsinelas kong manipis na pero hanggang ngayon ay lumalaban pa rin.
Napabuntonghininga ako at napatingin sa mga gawa kong accessories. All fake and all mine, pero bawat piraso nito ay pinaghirapan at pinagpuyatan ko. I may not have a brand, but I had hustle. And sometimes, hustle is all you've got when life keeps handing you expired luck.
Paalis na sana ako para makauwi na at tigilan ang pagd-drama pero may napansin akong isang lalaking madungis na papalapit sa lalaking mayaman. Halata sa lalaki na hindi siya aware sa paligid niya kaya naman sa mabilis na pangyayari ay na-snatch ang phone niya.
"Hoy!" Sigaw ko.
Ibinaba ko ang mga paninda kong accessories at hinabol ang lalaking magnanakaw. Akala siguro ng magnanakaw na ito ay walang hahabol sa kaniya. Sorry na lang sa kaniya dahil kahit parehas kaming hirap sa buhay, alam ko pa rin ang mabuti at hindi.
Mabilis siyang tumakbo pero naabutan ko siya kaagad.
"Magnanakaw ka!" sigaw ko sa kaniya.
Mabuti na lang ay nadapa siya kaya naman agad kong naagaw sa kaniya ang phone ng mayamang lalaki. Sa sobrang takot naman niya ay mabilis siyang nagtatakbo palayo sa akin.
Hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo at ramdam ko rin ang malalaking butil ng pawis ko habang naglalakad pabalik kung nasaan ako kanina.
"Malas naman oh!" reklamo ko nang mapigtas ang tsinelas ko.
Iniisip ko pa lang kung paano ako makakabili ng mga gamot ni Lola, dumagdag pa itong tsinelas ko!
Malayo pa lang ay natanaw ko na ang lalaking mayaman. Wala na siya sa harapan ng sasakyan niya, pero naroon siya sa pwesto ko kanina kung saan ko iniwan ang mga paninda ko.
Bigla tuloy akong kinabahan nang tuluyan akong nakalapit sa kaniya. Ang gwapo niya at sobrang bango pa. Kahit hindi pa siya nagsasalita ay talagang mukhang expensive na siya.
"Ito na yung phone mo." Sabi ko at inilahad ang phone niya.
"You... You chased him?" tanong niya.
Napakunot naman ang noo ko at gustong mapairap dahil sa tanong niya.
"Hindi. Nag-teleport ako papunta sa harapan niya gamit ang powers ko." Sarkastikong sagot ko.
Bakas sa mukha niya kung ano ba ang dapat niyang magiging reaksyon na tila ba matatawa siya or mao-offend.
"Thank you, " sabi niya pagkatapos ay kinuha ang phone sa kamay ko.
"But you don't have to," patuloy niya.
Wow. Sa sobrang yaman nga naman niya ay sigurado akong afford niyang bumili ng phone na higit sa sampu. Pakiramdam ko tuloy ay sinampal na naman ako ng kahirapan.
"Tama ka, pero mali ang ginawa niya. Next time maging aware ka sa paligid mo dahil maraming magnanakaw dito," sabi ko sa kaniya.
Napangiti naman siya at napatango. In fairness, gwapo pala talaga siya lalo na kapag nakangiti. Gusto ko rin sana mapangiti pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka akala niya ay gusto ko siya.
Yes, mahirap lang ako pero hindi niya ako basta-basta makukuha kahit mayaman pa siya!
Nagkibit na lang ako ng balikat at kinuha ang mga paninda ko. Aalis na sana ako kaya lang ay muli siyang nagsalita.
"Wait,"
Napatingin ako sa kaniya at nakita kong bumaba ang tingin niya sa mga accessories na gawa ko.
"You made those?" tanong niya.
Hindi naman ako kaagad nakapagsalita. Hindi kasi ako makapaniwala na ang isang katulad niya ay mapapansin 'yon.
"A-Ah oo. Handmade," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
"You sell those here every day?" muling tanong niya.
Wow. Nagbigay talaga siya ng oras para makausap ako?
"Yes, pero ngayon hindi ko naibenta dahil na-bogus ako ng client ko. Ang dami nito pero binibili niya sa murang halaga kaya hindi ako pumayag," pagkwento ko.
"Oh! Sorry to here that. Anyways, they're... unique," sabi niya.
Napataas naman ang isa kong kilay. Gusto ko sana ibenta sa kaniya ang mga 'to kaya lang ay saan naman ako kukuha ng kapal ng mukha? Sigurado ako na ang mga nireregalo niya sa girlfriend niya ay gawa sa gold or 'di kaya sa diamond.
"Kung sasabihin mo na 'interesting' 'wag na lang. Alam ko na ibig sabihin niyan." Sabi ko.
Muli siyang napangiti at napailing bago muling magsalita.
"I was going to say you have potential. I might have something for you."
Hindi ko naman na napigilan ang pag-irap.
"You know what? Kung mago-offer ka ng some shady modeling scam, don't bother, okay? Alis na nga ako!" Mataray na sabi ko sa kaniya.
Muli siyang natawa kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Scam? What scam? Wait."
Inilabas niya ang wallet niya at may kinuha roon. Inabot niya sa akin ang isang card kaya naman nakakunot ang noo ko nang kuhanin ko 'yon sa kaniya.
Rafael De Luca
Executive Vice President
De Luca Group of Companies
Oh.
Sh*t.
Napatitig ako sa card at halos malaglag ang panga ko. Isa siyang De Luca? Ang isa sa pamilyang pinakamayaman dito sa syudad at may-ari ng De Luca Jewelry.
"Come see me at my office tomorrow. I have a proposal for you. You might be what I need. Let's just say, it's my way to say thank you for getting my phone's back," paliwanag niya.
"Wait—what kind of proposal?"
Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay naglalakad na siya palayo sa akin na para bang walang nangyaring pag-snach sa phone niya kanina.
Napatitig ako sa card at hindi makapaniwala.
"Oh my gosh, Lord! Ito na po ba yung sign na magiging mayaman na ako?"
Halos hindi ako nakatulog sa gabing 'yon kakaisip na nakausap ko ang isa sa mga Montenegro.
"Sigurado ka ba besh na si Rafael De Luca ang nakausap mo? Ano naman ginagawa niya sa lugar na 'yon?" Tanong sa akin ni Trina, ang best friend ko.
Maaga akong nagising dahil sa excitement at kaba na nararamdaman. Mag-kapitbahay lang naman kami ni Trina kaya maaga kong pinaalam ang nangyari sa akin kagabi.
"Mukhang legit naman itong card, at ikaw na ang nagsabi. Mayaman at maganda ang sasakyan ng lalaki kagabi kaya possible na si Rafael De Lucanga ang nakausap mo." Sabi naman ni Tito Kiko, papa ni Trina.
"Good news 'yan, Gigi. Baka 'yan na ang sagot sa mga panalangin mo. Sigurado ako na mago-offer 'yon sa'yo ng trabaho lalo na at nakita niya ang mga designs mo," sabi naman ni Tita Amelia.
Mas lalo akong na-excite. Pangarap ko makapagtrabaho sa kompanya na 'yon, pero alam kong hanggang pangarap lang ako dahil hindi naman ako nakapagtapos ng college.
Kapag nakapagtrabaho ako roon ay maipapagamot ko na si Lola.
"Dalhin mo na rin 'tong mga designs mo para may maipakita ka in case na maghanap sila. I'm so proud of you besh! Makakapagtrabaho ka na sa De Luca Jewelry!" sabi ni Trina at bakas sa boses niya ang pagka-excite.
Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Sa araw na 'yon ay nagbihis ako kaagad at nagsuot ng formal na damit para naman maging presentable ako sa mata ng mga taong nagtatrabaho roon.
Halos mapanganga ako habang tinatanaw ang malaking building ng De Luca Company. Sobrang laki pala talaga nito at never kong naisip na isang araw ay magkakaroon ako ng pagkakataon na makarating dito.
Humugot ako nang malalim na hininga at nagpatuloy para makapasok kaya lang ay nang makaharap ko ang guard ay para bang nag-aalangan siyang papasukin ako.
"Applicant ka ba?" supladong tanong niya sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay, "Hindi ba halata?" mataray na sagot ko sa kaniya.
Tumango lang naman siya at hindi na nagsalita pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pintuan. Sobrang higpit naman niya na para bang siya ang may-ari ng kompanya na ito! Hello? Kung hindi lang ako pinapunta rito ni RafaelDe Luca ay hindi naman talaga ako tatapak sa lugar na ito.
Nakapasok ako sa loob at kung hindi ako tinigilan na titigan ng guard na 'yon na para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko ay baka naibato ko sa kaniya itong sandals na hiniram ko kay Trina.
Mahigpit kong hinawakan ang sling bag ko habang pinipilit ikalma ang sarili sa mga nakakasalubong kong empleyado roon na sigurado akong kumikita sa isang araw na kinikita ko sa dalawang buwan. The elevator smelled like aircon and intimidation, and the receptionist barely looked at me.
Saan ko ba hahanapin si Rafael dito?
"Miss. S-Saan ang office ni Rafael De Luca?" tanong ko.
"Do you have appointment with sir Rafael, Miss?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
Mabilis naman akong napailing.
"Appointment? W-Wala naman, pero binigay niya sa akin itong card niya. Pinapunta niya kasi ako rito," paliwanag ko.
Napailing naman ang receptionist na para bang naguguluhan siya.
"I'm sorry, Miss, but mukhang wala kang appointment with Sir Rafael. Hindi kita pwedeng papasukin," sagot niya.
"H-Huh? Baka pwede mo naman tawagan. Sabihin mo na lang sa kaniya na nandito ako. Yung may mga fake accessories. Makikilala niya ako agad-"
"I'm sorry, Miss pero hindi talaga pwede." Sagot niya.
Halos bumagsak naman ang dalawa kong balikat. Sana pala ay mas kinlaro ko ang pakikipag-usap sa kaniya kagabi! Alam ko naman na hindi talaga ako papapasukin dito hangga't hindi mismo na si Rafael ang makakausap ko.
Napatango na lang ako at sumuko dahil hindi talaga para sa akin ang kompanya na 'to.
Tumalikod ako para makauwi na, pero bigla kong nakita si Rafael na naglalakad. May kausap siyang babae kaya naman nagkaroon ako ng pag-asa.
"Rafael!" tawag ko sa kaniya.
Wala na akong pakialam sa mga nakakita sa akin. Nag-angat naman siya nang tingin sa akin at mabilis akong kumaway nang magtama ang mga tingin naming dalawa. May sinabi siya sa babaeng kausap niya at tumango lang ito bago tuluyang umalis. Nang makaalis ang babaeng kausap siya ay agad siyang lumapit sa akin.
"Hey," bati niya sa akin.
Napatingin siya sa paligid at itinuro niya ang daan palabas kaya naman napakunot ang noo ko, pero sumunod ako sa kaniya.
"Sorry. Actually paalis ako ngayon kaya sa labas na lang tayo mag-usap. Let's go," paliwanag niya.
Nagkibit lang naman ako ng balikat at napangiti bago tumango. Napairap tuloy ako sa guard nang pagbuksan niya kami ng pintuan dahil kasama ko lang naman ang isang Rafael De Luca.
May humintong magandang sasakyan sa harapan namin at may lalaking lumabas roon. Ibinigay niya ang susi kay Rafael at pinagbuksan naman niya ako ng pintuan. Napanganga ako at hindi kaagad nakapagsalita.
"Please," sabi ni Rafael.
Napatango naman ako at agad na pumasok sa loob ng sasakyan. Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong sasakyan at halos hindi ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong pagkakataon.
"Before we talk about the proposal. Kumain ka na ba? Where do you want to eat?" tanong niya.
Sinuot ko ang seatbelt at mabilis akong napailing.
"N-No, it's okay. Kumain naman ako kanina sa bahay bago magpunta rito," sagot ko sa kaniya.
"Alright. Ako kasi hindi pa kumakain," sagot niya pagkatapos ay bahagyang natawa.
"Oh! I'm sorry. Kumain ka muna. Maghihintay na lang ako na matapos ka," sabi ko sa kaniya.
Napailing naman siya at muling napangiti bago tuluyang mag-drive.
"Samahan mo na lang muna akong kumain. Doon ko na lang din i-discuss sa'yo yung proposal ko," sabi niya.
Napatango naman ako at nagkibit na lang ng balikat. Tahimik lang ako habang nagd-drive siya.
"Sorry, this is our second time na nag-meet pero hindi ko natanong ang pangalan mo," sabi niya.
"Y-Yeah, sorry din. Hindi ako nakapagpakilala. By the way, I'm Gianna Rae Cuevas, but you can call me Gigi," Nauutal na sabi ko.
"Nice nickname, huh? I like it." Nakangiting sabi niya.
Tipid na lang akong ngumiti at hindi na nagsalita pa. Magaan naman siyang kasama at kausap. Hindi niya pinaparamdam sa akin na mahirap lang ako. Pakiramdam ko ay nakikipag-usap lang siya ng fair sa akin.
Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant at bigla akong nahiya sa suot kong damit dahil tingin ko ay hindi bagay 'yon dito.
"This way Sir Rafael," sabi ng receptionist at iginiya kami papunta sa isang table.
"You can order all you want." Sabi ni Rafael at inabot sa akin ang menu.
Halos mahilo ako nang makita ang mga nasa menu. Bukod sa wala akong kilalang pagkain roon ay sobrang mahal pa ng presyo. Gusto ko ngang mapamura nang makita ang price ng isang ice cream doon.
"Busog pa ako e. Ice cream na lang," sabi ko sa kaniya.
Napakunot naman ang noo ni Rafael.
"Are you sure? Ako na lang ang mag-order ng kakainin mo-"
"No!" mabilis ko siyang pinigil.
"Busog pa talaga ako. Hindi ko rin 'yan makakain," sabi ko sa kaniya.
Napatango naman siya at hindi na ako pinilit pa hanggang sa siya na ang nag-order ng pagkain naming dalawa.
"I really appreciate you for coming, Gigi." Sabi niya habang naghihintay kami.
Napatango naman ako sa kaniya at tipid na ngumiti.
"No. Thank you for considering me... so about the accessories? Are you interested about my design?" tanong ko sa kaniya.
Humugot siya nang malalim na hininga at napasandal habang ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa table.
"I lied."
Hindi ako nakalagaw agad. What? Nagsinungaling siya?
Napangiti siya. I mean, I do think you're talented, but that's not the real reason why I asked you to meet me." Paliwanag niya.
Halos nahirapan akong mapalunok dahil sa narinig mula sa kaniya. So ano ang dahilan niya?
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakhang tanong ko.
"Look... I need a fake girlfriend."
Halos mabaliw ako sa narinig mula sa kaniya.
"What?!" gulat na tanong ko.
Umambang tatayo na ako roon dahil hindi naman pala business proposal ang iaalok niya sa akin.
"W-Wait, wait, Gigi! My family's expecting someone serious. They want me to see I'm settling down and you... you're perfect." Paliwanag niya.
"Excuse me? Hindi ko na problema 'yan!" reklamong sagot ko sa kaniya.
"I know. That's why I'm asking you a favor. I can see that you're not trying too hard. You're real and you're exactly what I need." Patuloy niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wow. Kaya pala nagkunwari ka na interested sa mga design ko? You gave me your fancy card at pinapunta sa kompanya niyo para lang sabihin sa akin na gusto mong magpanggap ako na girlfriend mo?" sunod-sunod na sabi ko sa kaniya.
He nodded. "And I'll pay you for it."
"Nababaliw kana ba, Mr. De Luca?" inis na tanong ko sa kaniya.
Nakakainis dahil bakit ako pa? Marami naman d'yan na babae at sigurado akong marami siyang kakilalang mga babae na mayayaman!
He slid a folder across the desk. Napakunot ang noo ko habang nakatingin doon. Na-curious ako kaya naman kinuha ko para tignan ang nakalagay. Halos malaglag naman ang panga ko nang makita ko ang laki ng amount na perang nakalagay roon.
Three hundred thousand! Mababayaran ko lahat ng medical bills ni Lola, at makakabili ako ng maraming pagkain namin for the next six months. Nakakalula ang laki ng halaga pero mabilis akong napailing.
"I just need you to play the part," he said gently. "Act like you love me. Smile. Pretend. It's just one month at hindi naman tayo everyday magkikita. Kapag may event lang," paliwanag niya.
I should've said no dahil kahit na sobrang laki ng perang 'yon ay hindi ko kayang ipahamak ang sarili ko. What if malaman ng pamilya niya na nagpapanggap lang ako?
Comments