Mahinahon ang hangin ng umagang iyon, at ang sinag ng araw ay parang ginto na dahan-dahang bumabalot sa kaharian ng Alvion. Ang dating ingay ng digmaan, mga iyak ng takot, at mga sigaw ng paghihirap ay matagal nang napalitan ng tawanan, awitin, at pag-asa. Sa tuktok ng palasyo, sa silid na minsan ay naging sentro ng mga plano at laban, nakaupo ngayon sina Nathaniel at Cassandra. Ang dating hari at reyna, ngayo’y simpleng mag-asawa na lamang—nakasuot ng magagaan na kasuotan, nagkakape habang pinagmamasdan ang umagang puno. “Ang tahimik na ng mundo natin, Nat,” mahinang sabi ni Cassandra, habang inaayos ang balabal ng asawa. “Parang kailan lang, puro laban, puro luha, puro takot…” Ngumiti si Nathaniel, pinisil ang kamay ng asawa. “At ngayon, puro kape, halik, at tahimik na umaga na lang. Hindi ba ‘yan ang pinangarap natin noon?” Tumawa si Cassandra. “Oo, pero never kong in-expect na mangyayari talaga. Parang panaginip. Minsan nga, natatakot pa rin ako magising.” “Kung panaginip
Terakhir Diperbarui : 2025-10-14 Baca selengkapnya