”Hindi po talaga!” Mabilis na sabi ni Stephen. "Ikaw ang pinakapaborito ko Mommy!"Napangiti si Sidney at bahagyang kumurba ang mga mata. "Si Mommy rin, ikaw ang pinakamahal ko. Sa buong buhay ko, ikaw lang ang magiging kaisa-isang anak ko. Tandaan mo, Stephen, ikaw lang ang tanging mayroon ako."Lalong gumanda ang mood ni Stephen sa mga salitang iyon at ngumiti. "Ang ganda-ganda mo pa, Mommy, tapos sikat na artista ka pa. Bilang anak mo, s’yempre proud ako!"Pero biglang nawala ang ngiti niya nang maalala si Lydia. Nakasimangot niyang sinabi, "Si Mommy Lydia, hindi man lang kasing galing mo! Isang trabaho lang na puro pagkukumpuni ng kung anu-ano, tapos kailangan pang magbiyahe! Hindi naman kumikita nang malaki at wala pa siyang oras para sa akin. Kaya pala si Lola, simula pa lang, hindi siya gusto!"Hinaplos ni Sidney ang bilog na ulo ni Stephen, at nanatili ang banayad na ngiti sa maganda niyang mukha.Sa isang kanto, huminto nang dahan-dahan ang mga sasakyan. Nakaparada sa tabi ng
Read more