Tahimik ang buong mansyon nang mag-alisan ang mga kamag-anak ng pamilya Campos. Ang bawat yapak sa marmol na sahig ay tila may dalang bigat ng duda, galit, at pangamba. Kanina lamang, punô ng ingay at bulungan ang sala. Ngayon, tanging tunog na lang ng lumang orasan sa dingding ang maririnig.Isa-isang lumabas ang mga sasakyan sa bakuran. Si Leah ay umalis na may halatang pagkainis, sinabayan ng mga bulong na puno ng pagdududa. Si Juliet naman, na kanina pa tahimik, ay lumapit kay Flora bago magpaalam.“Tita,” mahinahon nitong sabi, “sigurado po ba kayo na tama ‘tong ginagawa ninyo? Baka mamaya, nagkakamali tayo.”Hindi siya sinagot ni Flora. Nanatili lamang itong nakatingin sa malayo, sa papalayong sasakyan ni Leah. Sa ilalim ng liwanag ng chandelier, makikita sa mukha ng matanda ang pagod, hindi lang sa katawan, kundi pati sa puso.Pagkaalis ng lahat, tatlo na lamang ang naiwan sa loob ng malawak na sala, si Flora, si Francesca, at si Elton. Nakatayo pa rin doon si Samantha, tahimik
Terakhir Diperbarui : 2025-10-04 Baca selengkapnya