Akala ni Francesca ay nahanap na niya ang forever kay Matheo—hanggang sa mahuli niya itong may ibang babae. Wasak na ang puso, sabay pa siyang nakatanggap ng tawag mula sa isang abogado na inakala niyang scammer. Pero ang pangalan sa kabilang linya ay hindi basta-basta: Atty. Elton Campos, ang pinakamakapangyarihang abogado sa bansa. At mula sa araw na iyon, magsisimula ang isang kwentong hindi niya inaakalang mag-uugnay sa kanila.
View More“Miss Arevalo, ito po ang resibo ninyo. Ingatan n’yo po.” Sa loob ng sales department, iniabot ng empleyado ang resibo na nakalagay ang halagang tatlong milyong down payment.
Dahan-dahang kinuha iyon ni Francesca, ngunit ramdam ang bigat ng dibdib niya. Oo, siya na ngayon ang bagong may-ari ng isang unit sa Glory Washington. Dapat sana ay ikasaya niya ito, pero hindi. Dahil ang perang ipinambayad niya ay mula sa demolition money ng lumang bahay ng lola niyang kamamatay lang.
“Thank you,” mahina niyang sagot bago maingat na itinupi ang resibo at inilagay sa bag. Kinuha rin niya ang purchase contract na pinirmahan niya kanina. Alam niyang kailangan na niyang umalis.
Ngayon kasi ay kaarawan ng kababata niyang si Matheo Herrera at kasintahan niya rin. Dalawampu’t walong taon na ito, at plano niyang dumaan muna sa palengke para bumili ng mga sangkap. Balak niyang maghanda ng masarap na hapunan sa inuupahan nilang bahay, at pagkatapos ay ibibigay niya ang resibo at kontrata bilang sorpresa.
Noong una, matindi ang pagtutol ni Matheo sa pagbili ng unit sa Glory Washington. Umabot pa sila sa isang linggong cold war. Ngunit sa huli, siya pa rin ang nagbigay at sumunod sa kagustuhan nito.
Minsan nga, pabirong sinabi ng kaibigan niyang si Charlie. “Cesca, si Matheo ‘yan, kapag gusto niya, you always give in! Kung palagi mo siyang susundin, sooner or later, you’ll get hurt.”
Ngunit paano niya matatanggihan? Mahigit dalawampung taon na silang magkasama, at walong taon na ring magkasintahan. Hindi ganoon kadaling bitawan ang lahat.
Pagkalabas niya sa sales office, binuksan niya ang malaking glass door at sumakay sa in-book niyang sasakyan. Doon biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. May dumating na I* message mula kay Matheo.
[Mag-o-overtime ako ngayong gabi. Hindi na uuwi para mag-dinner.]
Napatigil siya. Ilang araw na ring iyon ang dahilan na binibigay ni Matheo. Pero ngayong araw… birthday niya. Noon, laging siya pa ang nagpapaalala at halos pilitin si Francesca na huwag makalimot. Pero ngayong taon, tahimik lang siya.
Humigpit ang hawak ni Francesca sa kontrata. May kumurot sa dibdib niya. Ilang sandali siyang natigilan bago nakapagpasya. Ayaw na niyang hintayin pa ang hapunan. Gusto niyang tapusin na ang malamig nilang tampuhan.
“Kuya driver, sorry ha. Change destination na lang. Please, sa Belland Building tayo.”
***
Oras na ng uwian. Tahimik ang opisina nang isara ni Matheo ang kanyang laptop at marahang minasahe ang sentido. Kita sa mukha niya ang pagod sa buong araw na trabaho.
Lumapit ang secretary niya, si Leah, at inilapat ang mga kamay sa kanyang sentido upang imasahe ito. Bahagya siyang yumuko, kaya halos dumikit ang dibdib niya sa likod ni Matheo. Ang posisyon nila ay animo’y sobra ang lapit para sa magkasamang “propesyonal” lang.
“Vice President,” malambing ang boses ni Leah, “are you really not going home? Today is your birthday… baka may surprise si Miss Arevalo for you.”
Hindi siya tinulak ni Matheo. Sa halip, nanatili siyang tahimik at nagmuni-muni. Pagkatapos ng ilang saglit, mahina siyang nagsalita, “How much more time… do we need before she calms down?”
Natigilan si Leah. Tumigil ang kamay niya sa pagmamasahe. “She… Do you mean she already knows about us?”
Dilim ang dumaan sa mga mata ni Matheo.
Isang buwan na ang nakalipas mula nang gabing iyon. Lasing siya dahil sa business meeting. Nang ihatid siya ni Leah sa sasakyan, nauwi iyon sa isang hindi inaasahang relasyon sa pagitan nila.
“No,” malamig niyang sagot. “I had the car cleaned afterwards. She won’t find out.”
Tinitigan siya ni Leah, may halong pait at pagsubok sa tingin. Mayamaya’y umikot siya at tumayo sa harap ni Matheo. Yumuko siya para itali ang necktie nito, at sa pagkakataong ito, hindi na niya ginamit ang pormal na tawag.
“Matheo…” tawag niya, mahina ngunit puno ng pahiwatig. “Am I really that insignificant? You keep me hidden. Are you afraid the world will know about us?”
Itinaas ni Matheo ang paningin. Si Leah ay kabaligtaran ni Francesca, glamorous, may tapang, may kaakit-akit na mukha. Mula sa anggulo niya ngayon, kita niya ang malalim na guhit sa dibdib nito. Biglang nanuyo ang lalamunan niya, at unti-unting bumilis ang tibok ng puso.
Ngunit nandoon pa rin ang konsensya niya. Kaya’t matapos ang gabing iyon, hindi na niya muling tinawid ang huling linya. Maliban na lang sa mga ganitong “ambiguous contact” kay Leah.
“How come? You’re a Campos. Pamangkin ka ni Elton Campos, the top lawyer in Manila. You’re my secretary. Honestly, it’s my honor. Why wouldn’t I take you seriously?”
Umiling si Leah, saka niya marahang iniangat ang isang paa at umupo sa hita niya, sabay yakap sa batok nito. Nakadikit halos ang labi niya sa kanya habang bumubulong.
“Then tell me, Matheo… are you going to hide me forever? Let me remind you… my period is several days now. Maybe… I’m already pregnant with your little Matheo. Aren’t you afraid?”
Sadya niyang inikot ang katawan, idinikit ang sarili, at sinubukan siyang halikan.
Bahagyang iniwas ni Matheo ang mukha at nakatakas sa pagsubok ni Leah na halikan siya. Mahigpit ang tinig niya nang magsalita.
“Didn’t you say na nag-ingat ka after that night? It shouldn’t be possible na buntis ka. Besides… I’ve been with Francesca for so many years. We’re already at the point of talking about marriage. Hindi gano’n kadaling basta ko na lang siya iiwan. It takes time to… to divide, ”
Hindi na niya natapos ang sasabihin. Napatingin siya sa pinto at biglang natigilan.
Nabuksan na pala iyon nang hindi niya namamalayan. Nakatayo doon si Francesca, maputla ang mukha, namumula ang mga mata, at halos nanginginig ang labi. Malinaw na narinig niya ang mga salitang hindi niya kailanman inasahan.
Naramdaman ni Leah ang bigat ng sitwasyon at napalingon din siya. Saktong nagtama ang mga mata nila ni Francesca. Isang titig na punô ng pagkawasak at pagkagalit.
Parang huminto ang oras. Ang paligid ay tila nabawasan ang hangin, halos hindi sila makahinga.
Sa biyahe kanina, inisip pa ni Francesca kung paano siya makikipag-ayos kay Matheo, kung paano niya gagaanin ang tensyon sa pagitan nila. Pero hindi man lang niya naisip kung paano haharapin ang ganito… ang taksil na katotohanan.
Blangko ang isip niya. Wala siyang masabi, wala siyang maisip na dapat gawin.
Nang makabawi siya ng konti, tanging mahina at pabulong ang nasabi. “I’m sorry… I bothered you.”
Makalipas ang ilang segundo, kusa siyang umatras. Tumalikod siya at mabilis na lumabas ng opisina, para bang siya pa ang third party na walang karapatang makisali.
Si Matheo, sa halip na sundan siya o ipaliwanag man lang, nanatiling nakaupo. Kalma ang ekspresyon niya, parang walang nangyari.
Tumakbo si Francesca palabas ng gusali. Ramdam niya na parang may tinanggal na laman sa dibdib at katawan niya. para siyang naging isang hungkag na shell na walang kaluluwa, naglalakad sa gitna ng mataong kalsada.
Ang lalaking minahal at inalagaan niya ng maraming taon… nagtaksil sa kanya. Hindi lang basta babae, kundi ang sariling secretary nito. Ang lahat ng mga pangarap at hinaharap na inakala niyang buo, biglang naglaho.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya napansin kung saan nahulog ang hawak niyang purchase contract, ni hindi niya inisip na pulutin iyon. Ang tanging ginawa niya ay kunin ang cellphone at nanginginig na sinubukang tawagan ang kaibigang nasa abroad para sana may masabihan.
Ngunit bago pa niya pindutin ang dial, biglang tumunog ang cellphone. May tawag na papasok. Agad niya itong sinagot, ni hindi man lang tiningnan kung sino.
“Hello? Hello. Miss Francesca?” Isang malalim at baritonong tinig ng lalaki ang umalingawngaw mula sa kabilang linya. “Ako si Elton ng Campos Law Firm. May kailangan po kayong pirmahan at kumpirmahin na dokumento tungkol sa mana. Maaari ba tayong magkita?”
Napahinto si Francesca. Mana? Ang unang pumasok sa isip niya, scam!
At ang nagkukunwaring scammer, may gana pang sabihing siya raw si Elton?
“Scammer!” singhal niya sa isip. Sino bang taga-Manila ang hindi nakakakilala kay Elton? Ang nag-iisang tagapagmana ng pinakamayamang pamilyang Campos. Hindi siya pumasok sa negosyo, kundi pinili ang batas. Bago pa man mag-treinta, hawak na niya ang doctorate in law.
Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang mamatay ang patriarch ng pamilya ng Campos. Naging laman muli ng mga pahayagan ang larawan ni Elton, at pinag-uusapan kung babalik ba siya para pamunuan ang negosyo ng kanilang pamilya.
At ngayong ganito kalayong tao, tatawag daw sa kanya? Hindi siya naniniwala.
Durog ang puso, niloko sa pagmamahal, at ngayong mukhang pinaglalaruan pa ng scammer, sumabog na ang emosyon ni Francesca. Parang may butas na kailangang pagsabugan ng lahat ng sakit niya.
“Si Atty. Campos ka?” bulyaw niya sa telepono, nanginginig ang tinig. “Then maybe I should also kill his wife tonight! Buntis ako sa anak niya, do you dare let him claim it now? Mga bwisit na scammer! Niloko na ako sa feelings, ngayon gusto n’yo pa akong lokohin sa pera? Inheritance? Gusto n’yo ba akong paniwalain na ako ang magmamana ng Apple’s legacy? You want me to believe that? Get lost!”
Nanginginig pa ang kamay niya habang pinapahigpit ang hawak sa cellphone, habang ang mga tao sa paligid ay nagtataka sa babaeng umiiyak at nagsisisigaw sa kalsada.
Narinig ni Ernest ang sinabi ni Francesca, at halos mahulog ang panga niya sa sobrang gulat. Sanay na siyang makakita ng mga babaeng sumusunod at naghahabol sa kanyang boss, pero ngayon lang siya nakakita ng babaeng unang bungad pa lang ay kasal agad ang hinihingi.Nabigla rin si Elton. Bahagya siyang napakurap, at ang malamig niyang mga mata ay tila naglalim pa lalo habang pinag-iisipan ang kaharap na babae. Hindi niya inaasahan ang ganoong kahilingang wala sa ayos. Ngunit naalala niya ang background check na ginawa niya. Maliban sa isang boyfriend na hindi maaasahan, wala naman siyang nakitang masamang record kay Francesca. Wala siyang bisyo, wala ring anong kapintasan. Kaya’t bakit siya biglang naglabas ng ganoong kahibang na kondisyon?Bago pa siya makasagot o makatanggi, agad na nagpatuloy si Francesca, halos nagmamadali sa kanyang paliwanag.“I'm serious,” aniya, habang nananatiling matatag ang titig sa kanya. “But I have my reasons. Una, hindi ko naman talaga nakasama si Mr. Ca
Parang may kumidlat sa ulap sa tuktok ng ulo ni Francesca nang mapagtanto niya ang totoo.Tinitigan niya nang mabuti ang ID na hawak ng lalaki, paulit-ulit niyang binasa ang pangalan, at doon niya tuluyang nakumpirma, ang nasa harap niya ay walang iba kundi ang tunay na No. 1 Gold Medal Lawyer ng Manila, si Elton!‘Patay na ako.’Ang una niyang pagkakawala ng bait, direkta pa palang napunta sa mismong taong inakusahan niya. Kahit ang Diyos, mukhang wala nang binigay na daan para makaligtas siya sa kahihiyan. Namula ang kanyang mga pisngi, at ramdam niya ang init na halos sunugin ang kanyang balat.Napatingin siya sa assistant na pumasok kasunod ni Elton. May dala itong dalawang maliit na safety box at maingat na inilapag sa center table. Ngunit kahit isang tingin, hindi siya binigyan. Tumayo ito nang diretso sa gilid ng sofa, nakatungo, para bang sundalong naghihintay ng utos.Nababalot ng katahimikan ang paligid. Ramdam ni Francesca ang bigat ng presensya ng dalawang lalaki, at tila
Pagkatapos ng galit na pagsigaw sa telepono, agad na ibinaba ni Francesca ang tawag. Hindi lang iyon, dinagdagan pa niya ng label na fraud ang numero at saka niya ito tuluyang bin-lock.Habang nakatayo siya roon, ramdam niya ang mga matang nakatuon sa kanya. Maraming tao ang nagbalik ng tingin, pinapanood ang kanyang tila pagkabaliw. Ang iba pa ay naglabas ng cellphone at nag-video, na para bang aliw na aliw sa eksenang nakikita.“Elton’s wife? Please, as far as I know, single pa rin si Atty. Campos. Wala siyang asawa!”“Kung magyayabang ka, pumili ka naman ng taong believable. Careful ka, baka idemanda ka for defamation or fraud.”“Girls nowadays, tsk, kung sino-sino na lang tinatawag na husband ang mga male gods nila.”“Pregnant daw siya? Hala, ilang babae na rin ang nagsasabing anak nila si Atty. Campos.”“Kung babae nga siya ni Atty. Why would she be going crazy on the street? Shouldn’t she be at home, waiting to inherit the family business?”“Sad case. Mukhang nakatakas na naman
“Miss Arevalo, ito po ang resibo ninyo. Ingatan n’yo po.” Sa loob ng sales department, iniabot ng empleyado ang resibo na nakalagay ang halagang tatlong milyong down payment.Dahan-dahang kinuha iyon ni Francesca, ngunit ramdam ang bigat ng dibdib niya. Oo, siya na ngayon ang bagong may-ari ng isang unit sa Glory Washington. Dapat sana ay ikasaya niya ito, pero hindi. Dahil ang perang ipinambayad niya ay mula sa demolition money ng lumang bahay ng lola niyang kamamatay lang.“Thank you,” mahina niyang sagot bago maingat na itinupi ang resibo at inilagay sa bag. Kinuha rin niya ang purchase contract na pinirmahan niya kanina. Alam niyang kailangan na niyang umalis.Ngayon kasi ay kaarawan ng kababata niyang si Matheo Herrera at kasintahan niya rin. Dalawampu’t walong taon na ito, at plano niyang dumaan muna sa palengke para bumili ng mga sangkap. Balak niyang maghanda ng masarap na hapunan sa inuupahan nilang bahay, at pagkatapos ay ibibigay niya ang resibo at kontrata bilang sorpresa.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments