Sa conference room, abala parin si Matheo sa meeting kasama ang ilang shareholders ng board of directors. Biglang tumunog ang cellphone ng isa sa kanila, tanda ng isang tawag na papasok.“Hello? Ah, Elton… okay, good, good. Naiintindihan ko. Ipapaabot ko agad,” sagot ng shareholder bago ibaba ang tawag.Pagkatapos, tumingin siya sa lahat ng nasa mesa. “Tawag iyon mula kay Elton. Sabi niya, darating daw sa kumpanya anumang oras ang bagong boss para mag-inspection. Kailangan nating maghanda. At bukod pa roon, siya rin daw ang magiging CEO, kaya dapat ay handa na ang opisina para sa kanya.”Ang posisyon ng CEO ang may pinakamalawak na kapangyarihan sa kumpanya, bukod sa mismong may-ari, kaya karaniwan itong hinahawakan ng shareholder na may pinakamalaking porsyento ng shares.Agad namang nagbulungan ang mga naroon.“New boss? Siya ba yong misteryosong tao na bumili ng lahat ng shares kay Mr. Ilagan dati?”“Balita ko matanda raw iyon. Hindi pa natin alam kung anong kamag-anak siya ng pami
Last Updated : 2025-09-15 Read more