Nyx's Pov"HOW did you know about it?" Halos pabulong kong tanong habang hinahanap ko ang kasagutan sa kanyang mukha. "Kailan mo pa nalaman?" dagdag ko, bahagyang nanginginig ang boses.Ngumiti siya ng bahagya, 'yong tipid na ngiti na parang may alam siya na hindi ko pa kayang lunukin. Tumingin siya sa kalawakan, saglit na lumayo ang atensyon niya habang ako ay nakatitig pa rin sa kanya na hindi pa rin makapaniwala sa katotohanan."It runs in the blood, Nyx," he simply replied, then looked back at me.Napailing ako, hindi gustong maniwala. Gusto ko mang itanggi ang lahat pero alam kong wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang tanggapin na alam na niya...at ang posibilidad na iniisip ko ay puwedeng mangyari.Binasa ko ang aking pang-ibabang labi, malalim na lumunok, saka tumitig sa kanya nang maigi bago maisip ang katotohanan. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung alam mo naman pala, bakit ngayon ka lang nagsalita?""Nyx,
Last Updated : 2025-11-15 Read more