Sydney's POV"Kiss her and I will punch your fvcking face." Madiin na sabi ni Parker kay Eriko. Ang talim ng tingin nito. Umiigting din ang panga niya.Ay taray. Ang haba ng buhok ni Amy ah?"Eriko? Anong ginagawa mo ditong bata ka?" Bigla akong napatingin sa nagsalita. May kaedaran na ang mukha nito. Ito na siguro ang nanay ni Amy. May bitbit kase itong bilao na lalagyan ng kakanin.Nginitian ito ni Eriko at inabot ang kamay nito, nag-mano siya. "Magandang tanghali po, Tita Amilya." Magiliw nitong sabi."Mudra, si Ma'am Sydney po at ang asawa niya na si Ser Pyro. Sila po ang amo ko sa manila." Pagpapakilala ni Amy. Nginitian kami ng nanay ni Amy kaya gumanti din ako ng ngiti. Narinig ko ang pag-ubo ni Parker. Tumikhim muna si Amy bago magsalita. "A-At siya naman po si Parker.""Nice to meet you, Mamã." Nagulat ako sa sinabi ni Parker. At mas lalo akong nagulat ng abutin ni Parker ang kamay nito at biglang hinalikan ang likod ng palad. Pati ang reaksyon ni Pyro ay hindi makapaniwala.
Last Updated : 2025-11-07 Read more