Huminga na ito ng malalim, ng biglaang nakita ang isang pamilyar na pigura. Isang matangkad, naka-itim na suit at syempre, mala-Greek god ang datingan kahit pa eh nasa malayo pa ito. Agad-agad naman itong lumapit sa kinaroroonan nito, ngunit hindi ata siya napansin dala na rin ng ekspresyon nito na tila ba eh may hinahanap. Tatawagin niya na sana ang lalaki, nang biglaang…. Splooksh Biglaang tunog ng natapon na juice sa damit ni Vivianne. “I'm so sorry po, ma'am!!!” Agad na sabi ng waitress, na tila ba'y malapit ng umiyak. “Okay lang, Miss. No worries..” Sabi naman ni Vivianne—assuring the waitress as she helps her with the mess. “Ma'am, sorry po talaga..” Sambit uli ng waitress na ngayon ay lumuluha na, “ma'am, ayaw ko po matanggal sa trabaho. May sakit po yung nanay ko, ma'am. Kahit ako na lang po ang maglaba ng damit ninyo o bayaran ko po kayo pampa-laundry,” mangiyak-ngiyak na sabi nito, ngunit ang waitress ay nanatiling masigasig sa kanyang trabaho, “Walang kaso sa
Huling Na-update : 2025-09-20 Magbasa pa