Maaliwalas ang panahon sa Beach. Mataas ang sikat ng araw, mahangin at malakas ang alon. Magandang pagkakataon iyon para mag-surf. Bitbit ko sa kanang kamay ang gagamitin na surfboard ni Trisha. Habang suot ang paborito kong swimming trunks na kulay bughaw, hinubad ko naman kaagad ang puti kong sando at inilapag iyon sa duyan na naroroon. Nakasunod sa akin si Troy na dala rin ang isa pang surfboard na gagamitin ko. Sakto naman ang pagdating nina Barbara at Melvin sa beach. "Trisha..." kaagad na tawag ni Barbara sa asawa ko ay nakipagbesohan rito. Ngumiti nang kay tamis si Trisha at nag-usap ang mga ito. "Bro.." tawag sa akin ni Melvin sabay fist bump nang makalapit. Ngumiti ako. "Kumusta?" "Ayos naman, sunud-sunod ang hang-out, a," pabiro niyang saad matapos tanggalin ang suot niyang shades at pasadahan ng tingin ang paligid. Lumuwang ang ngiti ko at kaagad na sinipat si Trisha, saka muling tumingin sa kaniya. "Ah, oo, sinusulit namin ni Trisha ang bakasyon dahil sa susun
Last Updated : 2025-11-17 Read more