The Boss and His Secretary

The Boss and His Secretary

last updateLast Updated : 2025-11-03
By:  DwendinaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
41Chapters
1.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Lumaking hirap sa buhay ang 24 years old na si Trisha Julianna Brenzuela mula nang iwan sila ng kaniyang ina matapos mamatay ang kaniyang ama. Hindi natapos ang kaniyang pagdurusa matapos naman siyang hiwalayan at ipagpalit ng fiancé niya sa kaniyang kaibigan. Sa kadahilanan ng dagok ng buhay nang mawalan siya ng trabaho at magkasakit ang kaniyang kapatid. Ginawa niya ang lahat kahit na maging isang bayaran sa loob ng isang gabi upang makalikom lamang ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kapatid niyang may autism. Sa hindi inaasahan, ang childhood enemy niyang si William na kasalukuyang CEO ng Aveedra Electronics Company, ang lalaking naka-one night stand niya at magiging boss rin niya sa trabaho. Ang siyang magiging contract husband niya nang palihim sa loob nang ilang buwan. Ngunit, nang nahulog na ang loob nila sa isa't isa, eksakto namang dumating ang fiancée nito na itinalaga ng pamilya Cervantes at Smith para sa nakaplanong arrange marriage ng dalawa ilang taon na ang nakalilipas. Paano pa maipaglalaban ng dalawa ang kanilang lihim na relasyon mula sa mga magulang ng dalawang kilalang makapangyarihang pamilya? Matapos mabigo ng mga masasamang tauhan ng pamilya Smith mula sa pagtatangka. Magbabalik si Trisha para ipakilala ang kaniyang sarili sa bagong katauhan bilang isang tunay na anak ng kilala at mayamang pamilya Del Fuego.

View More

Chapter 1

Kabanata 1 [Dagok]

Naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha nang tuluyang magising ang aking diwa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa malalim at mahimbing na pagkakatulog. Bumungad sa akin ang puting pintura ng buong dingding ng kwarto, maging ang kulay ng kisame. Dumako ang paningin ko sa dextrose na nakabitin at bagay na nakaturok sa aking kamay.

Saka ko lamang napagtantong nasa ospital na ako. Naglaro sa aking isipan ang naging pagtatalo namin ni Bert kanina. Naalala ko pa na siya ang naging dahilan nang pagtagas ng pulang likido sa aking hita at pagkawala ng aking malay. Kinabahan akong bigla nang maisip ang baby sa aking sinapupunan. Napahawak ako sa aking tiyan.

Napasulyap ako sa pintuan nang bumukas iyon. Iniluwa nito ang seryoso ngunit namumulang mukha ni Bert, ang fiancé ko.

“Glad that you're awake..” tiim-bagang niyang saad sa ‘kin habang matalim at nagliliyab ang tingin. Ang titig na iyon, ganoon pa rin at hindi nagbabago. Tingin na huli kong naaalala bago ako mawalan ng malay. Bagay na hindi ko inaasahan na masilayan sa loob nang dalawang taon naming relasyon.

“Now that you’ve lost our baby, wala nang rason pa para manatili at ipagpatuloy ang ating relasyon,” mariin niya pang dagdag na unti-unting nagpalambot sa ‘kin.

Napakunot ang aking noo. “Teka.. babe.. ano itong–”

“You’ve heard me..” putol niya sa aking sasabihin.

Nagsimulang manikip ang aking dibdib, manginig at manghina ang aking katawan. Sumabay ang pagbagsak ng aking mga luha.

“Bert…” Akma na akong tatayo para lapitan siya nang masindak ako sa kaniyang ginawa. Sinampal niya ako at mahigpit na hinawakan sa aking braso na nagpaimpit sa akin. “Bert.. na-nasasaktan ako..” Hindi ko napigilan ang paggaralgal ng aking boses.

Kumunot ang kaniyang noo nang magsalita. “Anong klase kang babae, Trisha? Sa tingin mo ba, tatanggapin pa kita matapos mong pabayaan ang susunod na magiging tagapagmana ko? Ipinakita mo lang na wala kang kwenta, alam mo ba ‘yon? Tama lang talaga na maghiwalay na tayo!” Pabagsak niyang binitiwan ang aking braso.

Napahawak ako roon nang makitang namumula iyon. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaniyang galit gayong pwede pa naman kaming magpatuloy at bumuong muli. Kahit pa nalulungkot ako sa pagkawala ng aming sanggol sa aking sinapupunan. Mas pinili ko siyang unawain dahil alam kong mahalaga siya sa ‘kin.

“Hindi natin deserve ang isa't isa, Trisha,” lumamig ang kaniyang boses.

Pinilit kong tumayo at bumaba sa kama kahit pa ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. Buong sikap ko siyang inabot, nagbabakasakali na bawiin ang kaniyang mga sinabi.

“Hindi kita mahal. Napilitan lamang ako dahil sa pangako ko. May mahal akong iba, at kilala mo kung sino ‘yon.”

Natigilan ako sa aking mga narinig. Pakiramdam ko ay parang tinusok ng matalim na bagay ang aking puso. Hindi ako makapaniwala na iyon ang lalabas sa kaniyang bibig. Ang lalaking pinili ko at inalayan ko ng aking buhay ay siyang tatalikod sa akin ngayon.

Muling dumaloy ang masaganang luha sa aking pisngi. Kasabay nito ang pagsikip ng aking dibdib. Saka ko lamang naalala ang sinabi niya nitong huli.

‘Oo, binalak ko siyang ligawan pero ikaw ang pinili ko..’ Ang mga salitang iyon na matamis noon, ngayon ay sumaksaksak sa aking puso. Unti-unting tumatak sa aking isipan.

Tuluyan na akong napahikbi sa kaniyang harapan. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig. Gusto kong magmakaawa, magwala sa sakit na aking nararamdaman.

“Simula ngayon, pinuputol ko na ang ating relasyon o anumang koneksyon,” saad niya nang hindi na nag-abala pa na lingunin ako.

“Babe.. saglit..” Bago pa man siya makalakad, kaagad akong napaluhod. Pilit na inaabot ang kaniyang kamay habang nagsusumamo. “Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan. Mahal na mahal kita..”

Nagpatuloy siya sa paglakad na parang walang narinig. Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang papalabas ng pinto. Hanggang sa maglaho na siya sa aking paningin.

Bumagsak ako sa malamig na sahig. Kinakapos sa hininga habang naninikip ang dibdib sa kakaiyak. Hanggang sa naabutan ako ng nurse sa aking kalagayan. Mabilis niya akong inalalayan patayo at pabalik sa kama. Nilagyan niya ako ng oxygen mask.

Tulala ako sa aking pwesto. Hindi ko na nga napansin nang iabot niya sa ‘kin ang aking cellphone.

“Sa iyo ba ito? Sagutin mo’t baka importante..”

Napatingin ako sa gawi niya. May bahid na kalungkutan ang kaniyang mga mata. Pinunasan ko ang namamasa kong pisngi. Ibinaling ang aking paningin sa cellphone nang tanggapin ito mula sa kaniya. Nakita ko ang pangalan ni lola na nakatatak sa screen. Kaagad kong tinanggal ang mask sa aking ilong.

“Lola, kumusta?” pilit kong pinasigla ang aking boses nang sagutin ito.

Muling nagsilaglagan ang aking mga luha nang marinig ang sinabi ni lola mula sa kabilang linya. “Ang kapatid mo, isinugod sa ospital..”

Napatingin ako sa gawi ng nurse. Matapos ibaba ang tawag ay nakiusap akong tanggalin na nito ang nakakabit na dextrose sa akin. Kailangan kong umuwi at puntahan ang aking kapatid na may autism sa lalong madaling panahon. Hindi ako pwedeng tumunganga lamang dito.

“Naku, ma'am. Wala po akong right para magpauwi ng pasyente hangga’t hindi pa sinasabi ng doctor. Hintayin n'yo na lamang po siya para malaman ninyo kung makakalabas na po ba kayo o hindi,” wika sa akin ng nurse saka lumabas na ng pinto.

Nang mawala na siya sa aking paningin, mabilis kong ini-off ang dextrose at binunot iyon sa aking kamay. Kahit pa ramdam ko ang hapdi, maging ang sakit sa parte ng aking katawan. Nagsumikap akong makalabas nang hindi nila namamalayan. Mas mahalaga sa akin ang kalagayan ng aking kapatid kesa sa aking sarili.

Habang nasa hallway, natigilan ako nang makita ng dalawa kong mata si Bert na inaalalayan si Shaina. Papasok sila sa elevator. Napahawak ako nang mahigpit sa aking dibdib. Masyadong masakit. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para humakbang pa.

Nakasalubong ko si lola sa baba habang papalabas ako ng ospital. Umiiyak siya habang pinupunasan ng panyo ang kaniyang mga mata. Kaagad ko siyang nilapitan. Nanlaki pa ang mata niya nang makita akong nakasuot ng patient's clothes. Namumugto ang mga mata. Hindi ko na iyon inintindi pa at direktang tinanong si lola kung nasaan ang kapatid kong si Danny.

Nang makalabas ang doctor na tumingin sa kapatid ko. Malungkot ang mukha niyang sinabi sa amin na lumala na ang kondisyon ni Danny. Kailangan na itong maoperahan as soon as possible. Nang mga sandaling iyon ay tila binagsakan ako ng mundo.

Mula sa kawalan ng trabaho, pag-iwan sa akin ni Bert hanggang sa kalagayan ng aking kapatid. Napasubsob ako sa aking mga palad.

‘Saan ako makakakuha ng ganoon kalaking halaga? Halos kalahating milyon para sa operasyon?’ Lumabas ako kaagad at nagmamadaling sumakay ng jeep.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Athena Beatrice
Recommended
2025-10-14 16:34:43
1
user avatar
Chelle
Most Recommended Story!!! Support ...🫶
2025-10-04 12:48:24
2
user avatar
Gabriel Pattern
Nice Story ......
2025-10-04 03:37:02
2
41 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status