"Hindi pa alam ni Mama kung kailan ako makakauwe diyan, anak." Malambing na sabi ko sa anak ko nang tanungin niya na naman ako kung kailan ba ako uuwe."Hmp, ayaw niyo na po ata ako makita, eh." Nagtatampong sabi niya. Natawa lang naman ako sa kaniya."Hindi naman sa gano'n, anak. May trabaho kasi si Mama kaya hindi pa ako makauwe." Paliwanag ko na lang."Okay po. Basta po uwe ka na kapag wala na ikaw po trabaho, ah?" Sabi niya."Sige, h'wag din ikaw magpasaway diyan, ah? Pasaway ka pa namang bata ka." Natatawang sabi ko na agad namang ikinaangal niya."Opo na po, Mama!" Naiimagine ko ngayon na nakanguso siya habang sinasabi 'yon.Alam ko rin na kahit sinasabi niya 'yon ay pasaway pa rin talaga siya. Mana sa ama."Mama, sabi po pala sa 'min ni teacher na father's day na daw po next week tapos po kailangan daw po namin isama mga Papa namin sa school po para daw po sa father's day. Nasaan po ba si Papa, Mama? Gus
Última atualização : 2025-11-23 Ler mais