Maria's POV "Hey are you okay? Kanina ka pa parang wala sa sarili." Tanong nito habang papauwi kami galing hospital. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "Okay lang po ako. Napagod lang siguro ako ngayong araw." Rason ko kaya napabuntong hininga ito. "Okay, you can rest here. Do you want to sleep?" Napailing naman ako at tumingin sa labas ng bintana. Pilit kong iniiwasang magtama ang mga mata namin. Baka kasi pag nangyari yun ay malaman nyang nagsisinungaling ako. Na Hindi ako pagod at sadyang nawala lang talaga ako sa mood dahil sa narinig. "Hindi na po. Mukhang malapit na naman po tayo sa bahay eh." Sagot ko dito habang hindi pa rin sya tinatapunan ng tingin. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito bago sumagot ng 'okay'. Simula ng marinig ko ang usapan nila ay nawalan na ako ng gana. Para bang bumagsak lahat ng resistensya ko sa katawan. Yeah, I'm hurt. Ako naman kasi si gaga eh. Umaasa na mamahalin nya din ako. Na pagkatapos ng mahabang panahon ay mapapansin nya na din ako. Hindi
Last Updated : 2025-09-18 Read more