Napakamot ako sa ulo ko nang mabasa ko lahat ng schedule ni boss ngayong araw. Halos puno 'yon. Pang isang linggo ko na ring nagtatrabaho kay Sir bilang secretary niya.Sa company na nga pala ako ni boss nagtatrabaho, hindi na sa restaurant niya. Nakakabilib si Sir dahil hindi lang restaurant ang meron siya. May company rin siyang pinapatakbo. Ang hirap kaya no'n.At aaminin kong hindi madaling maging secretary ni Sir. Napakasakit sa ulo ng iba niyang ka-meeting. Buti na lang at medyo mahaba ang pasensya ko."Seah, what's my next meeting, time and where?" Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang boses ni boss."Ah, may meeting po kayo kay Mr. Tan. 11 am and sa Red Star Restaurant po." Maayos na sagot ko naman agad at nang makitang tumango siya ay nakahinga ako nang maluwag.Wala namang problema sa 'kin sa ngayon si boss. Hindi niya pa ako napapagalitan. Lahat ng tinuturo niya sa 'kin ay talagang inintindi kong mabuti.Mahaba
Última atualização : 2025-11-19 Ler mais