Ang katahimikan ng disyerto ay tila humihigop ng bawat hininga nila. Sa ilalim ng malamig na buwan, ang tatlo—si Gray bilang Amara, si Rio bilang James, at si Alliyah na mahigpit ang kapit—ay dahan-dahang naglalakad palayo sa lugar kung saan sumabog ang venue. Ang usok ay malayo na, pero ang amoy ng abo at pulbura ay parang nakadikit pa rin sa mga balat nila.“Nagkakamali ka sa iniisip mo,” sabi ni Gray, hindi tumitingin kay Rio.“Kung ganun,” sagot ni Rio, mababa ang tono, “paano mo nalaman ang daan palabas?”Napahinto si Gray sandali. Huminga siya nang malalim bago tumingin kay Rio, diretsong-diretso, walang takot.“Sinabihan ako ni Zayed. Binigyan niya ako ng blueprint bago nagsimula ang party. Nagbabala rin siya na posibleng may mangyari ngayong gabi.”Napasimangot si Rio, halatang hindi kumbinsido.“Bakit ikaw? Bakit hindi ako? Ako ang bodyguard at may karanasan ako.”“Hindi ko alam,” sagot ni Gray, pagod pero kalmado. “Pero sinabi ko na sayo, they will find us here. May grupo si
Last Updated : 2025-11-22 Read more