ZAID’S POV“Give me one bottle of whiskey,” sabi ko, sabay lapag ng card ko sa counter. Ngayon lang ako sumuway sa utos ni Kuya. Ngayon lang ako lumaban.Madalas, kapag nagkikita kami ni Kuya Wade, puro biro lang, puro inisan. Hindi ko siya tinitigasan ng ulo kahit anong sabihin niya. Sa pamilya namin, siya ang perpekto, siya ang pinupuri. Ako? Ang tinatawag nilang mantsa—ang walang direksyon, ang walang patutunguhan. Pero ngayong gabi, iba. Ngayong gabi, hindi ko nagawang manahimik.“The hardest whiskey,” dagdag ko, mariing binigkas.Habang inaabot ng bartender ang bote, tanging mukha lang ni Lily ang nasa isip ko. Ang paraan ng pagkakatingin niya kanina, parang nalusaw na ang lakas sa katawan. Punit ang damit, maga ang labi, may mga bakas pa ng luha sa pisngi. Para siyang sirang laruan na nilaro nang sobra ng isang bata.Hindi ko alam kung anong mas matindi—ang galit ko kay kuya o ang sakit na makita si Lily sa gano’ng kalagayan.Babae siya. At higit sa lahat, tao siya.Paano nagawa
Huling Na-update : 2025-10-07 Magbasa pa