AMARA'S POVSa J******e kami pumasok ng kambal dahil iyon ang request nila sa kanilang Daddy.Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kakain kami ng mga bata kasama si Hunter. Ito ang unang pagkakataon na kaming apat lang ang magkasama na para bang isang kaming masayang pamilya na nagbobonding.Haist! Sana lang talaga, may pag-asa pang mabuo kami kahit na heto, panay ang iwas n'ya sa 'kin.Galit ba s'ya sa'kin?Hindi ko alam.Pero pansin ko — simula kanina, pagkagaling n'ya sa meeting ay naging malamig na ang pakikitungo n'ya sa'kin.“Ako na ang oorder ng foods natin. Humanap na kayo ng vacant seat natin.” baling ko sa kanila saka ko binitawan ang kamay ni Kenji at pinalapit sa kaniyang Daddy.“Hindi. Ako na ang oorder, ikaw na ang maghanap ng mauupuan natin.” salungat n'ya.Sikat kasi sa mga bata ang fast-food na kakainan namin kung kaya halos mapuno na rin ang loob ng fast-food.Kung hindi kami hahanap ng vacant seat, baka wala kaming upuan.“Uhm, okay.” sang-ayon ko agad saka lumapit sa
Read more