“Nanay, ang ganda dito! Malapit lang din kayo sa dagat," namamanghang sabi ko.“Oo Iha, sariwa rin ang hangin kaya hindi ko ipagpapalit ang pamumuhay ko rito kaysa sa Manila."“Doon sa malaking bahay na iyon ang bahay ni Mam Victoria at Sir Marco. Sila ang pinakamayaman dito sa marcos." Dagdag pa nito sabay turo sa malamansyon na bahay.“Maganda at malaki nga po," sagot ko rito.“Siya nga pala Iha, pagpasensyahan mo na itong Bahay ko ah. Hindi kasing laki ng Mansyon n'yo." nahihiyang sabi nito.“Nay, walang panama naman ang aming mansyon kung ka preskohan ang pag-uusapan. Malayo sa usok ng mga sasakyan. Simpleng bahay na napapalibutan ng mga Puno at mga Bulaklak. Preskong hangin at amoy ng dagat ang iyong malalanghap. Simpleng pamumuhay lang ang hangad ko Nay." mahabang paliwanag ko rito.“One day Nanay, Ill buy a house like this, ahhhh so relaxing," Sabi ko habang nag-uunat ng aking dalawang kamay“Oh! By the way Nay, are you alone here?“Hindi Iha may apo ako.Teka lang, nasaan na ba
Last Updated : 2025-09-28 Read more