Xamantha's POV Nandito na kami sa isa sa sikat na restaurant dito sa Albay. Dito gaganapin ang meeting ni sir Marko at Ms. Jackson. Pagdating namin ay nanduon na si Ms. Jackson at ang secretary nito. "Sorry to keep you waiting Ms. Jackson." sabi ni sir. "Okay lang yun. Anyways, call me Erika." sagot naman nito. "So, may I know Erika, tungkol saan ang meeting na ito?" tanong ni sir kay Ms. Jackson. "Kakarating mo pa lang Mr. Marko. Umorder muna kayo." sagot ni Ms. Jackson. "Xamantha please take charge sa pag order. Isama mo din yung para sa tour guide at drivers." Utos nito sa akin. Kaya dumiretso na ako sa cashier at namili ng pagkain. Maraming pagpipilian. Dinagdagan ko din ng Bicol's best at halo halo special. "Actually, nakita ko ang performance nila Irish and Christian. Nakita ko kung gaano sila kagaling kahit mamaya pa ang fashion show. Since, ikaw ang naghahandle sa kanila ay ikaw ang kakausapin ko." sabi nito. "Hmm." ngumisi naman si Ms. Jackson
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-09 อ่านเพิ่มเติม