Nagpasya silang maupo sa bakanteng upuan kung saan mag isang umiinom si Vlad kanina. Nag pasya silang uminom na lang ng alak. Nang malasing, isinama ni Vlad sa Cabin ang dalaga. Luckily, dala niya ang maskara niya. Sinuot niya iyon sa banyo at muling lumabas. Hilong-hilo naman sa kalasingan si Hurrem kaya nakahilata lang siya sa kama. Nang lumapit si Vlad sa kaniya. "V-Vlad?" tanong ng dalaga. Hirap man siyang tumayo, pilit niyang inaabot ang mukha ng binata. "Yes, sorry kung hindi ako bumalik at umalis ako ng walang maayos na paalam. Ayoko lang madamay ka. Ayokong isipin mo na pinaasa kita. Pero sa tingin ko, ganun na nga ang nangyayari. Noon, gusto ko lang pumasok sa buhay mo para mag higanti. Gusto ko lang iganti yung mga mahalagang tao sa akin na napahamak sa kamay ng Daddy mo. Akala ko, kaya ng konsensya kong saktan ka at paasahin ng matagal. Nang matapos ang misyon ko, umalis na ko." mahabang paliwanag ni Vlad. Hindi niya alam kung bakit nagpapaliwanag siya kay Hurrem gayong a
Last Updated : 2025-11-01 Read more