LOGINSi Leiron Vladimir Satander-Rocketfellers ay kakambal ni Kemuel Rassel na nagpunta sa Italy para magpanggap na isang Hardinero sa pamilya ng mga Winchester. Nakilala niya ang anak ni Mr. Winchester na si Haticia Hurrem Winchester. Si Mr. Charles Winchester ang boss ng Winchester Syndicate sa Italy. Plano niyang paibigin ang dalaga para makakalap ng impormasyon sa nasasakupan at plano ng kanyang ama. Kaulanan ay nahulog ang babae sa kaniyang patibong pero hindi lang pala ang babae ang nahulog pati na rin siya. Kahit alam niyang bawal. Hahamakin niya ba ang lahat para sa pag ibig? O tatalikuran ang babae para sa kaniyang misyon?
View MoreNagawa ni Hurrem mag ensayo sa loob ng anim na buwan at masasabi niyang bihasa na siya sa pag gamit ng iba't-ibang armas. Hindi lang sa pakikipag laban siya hinasa ni Vlad pati na rin sa pag mamaneho ng iba't-ibang klase ng sasakyan nang sa ganun magawa niyang makatakas kapag nasa peligro ang buhay niya. Tinuruan naman siya ng ibang trainor sa mga survival skills at foods na maari niyang mapakinabangan pagdating ng panahon. Hindi nag tagal, nag handa na sila sa pag lusob sa Kuta ng mga De Marco sa Cambodia. Hindi pa sana papayagan ni Vlad si Hurrem sumabak sa labanan kaya lang mapilit ang dalaga. "I can manage.." tugon ni Hurrem habang inaayos ang suot na armor saka nag suot ng pang ibabaw na damit. Sumabay siya kina Vlad sa paglabas ng Headquarters ng Khazarian Mafia na pormado at armado na. "Make sure you'll make yourself safe." saad naman ni Vlad saka siya sumakay sa kotse. Sumakay naman sa passenger seat si Hurrem at pinaharurot na iyon ng binata patungo sa Airport. Sumama sa
Natigilan si Vlad nang tawagan siya ni Zero sa phone. Sinagot niya naman ang tawag. "Hello?" tanong ni Vlad. "Kamahalan, patay na Charles Winchester. Pinatay siya ni Hunter De Marco." seryosong pagbabalita ni Zero kay Vlad sa kabilang linya. Natigilan si Vlad sa kaniyang narinig at napatingin kay Hurrem na noo'y mahimbing pang natutulog. Naguguluhan ang binata kung sasabihin niya na ba sa nobya ang tungkol roon o huwag muna. Pero nang mapagtanto na maaring magalit si Hurrem sa kaniya kapag hindi niya sinabi ang buong katotohanan nag pasya na si Vlad sabihin. Pagkatapos niyang kausapin si Zero. "Okay, Pupunta kami sa Headquarters. Isasama ko si Hurrem." saad ni Vlad at tinapos ang tawag. Makalipas ang ilang minuto, nagising naman si Hurrem at humarap sa kaniya. "Sino ang kausap mo? Narinig ko kasi ang pangalan ko." aniya sa mahinang boses. "Si Zero, base sa balita na sinabi niya.. P-Patay na raw ang Daddy mo. Pinatay siya ni Hunter De Marco, kalaban na Mafia Clan." seryoso ang
[Warning SPG]Walang pagsidlan ang saya sa puso ni Vlad nang marinig ang sinabi ni Rassel. Hindi niya lubos akalain na gagawin iyon ni Hurrem. Hindi niya akalain na ang mahinhin na dalagang nasa loob ang kulo noon ay magiging matapang para harapin ang kagaya ni Rassel para ipaglaban ang kanilang relasyon. Sumunod naman siya sa kapatid at dumiretso sila sa Ancestral House nila sa Russia. Sumalubong ang sangkaterbang tauhan para sumaludo at mag bigay galang. "Welcome Home, Kamahalan!" sabay-sabay na sigaw ng mga ito. Tanging tango lang ang tugon ng mag kapatid. Dumiretso sila sa loob at naupo si Rassel sa sala. Lumapit naman ang Private nurse nila para asikasuhin ang kanilang mga sugat at galos. Habang ginagamot si Rassel. Nag usap silang mag kapatid."Talaga bang seryoso ka na sa kaniya?" tanong nito."Oo, twin. Kilala mo ako, hindi ko naman akalain na mahuhulog ako sa sarili kong patibong." sagot ni Vlad sa seryosong tono. Napabuntong hininga naman ang kakambal sa narinig."Sinabiha
Kitang-kita ng dalaga ang pag aalangan sa muka ng tauhan kung sasabihin niya ba o hindi. Pero nag desisyon ito na paalisin na lang siya. "Kahit sino ka pa, umalis ka na lang Ma'am. Hindi kami maaring mag tiwala. Baka ikapahamak pa namin." saad ng lalaki. "Sige na, Boss. Pakausap ako, pakisabi kakausapin ko lang siya saglit." pangungulit ni Hurrem. Itinaboy siya ng mga ito. Pero, natigilan ng makita si Zero. Isa sa mga tauhan ni Rassel na nakakakilala sa kaniya. "Stop, anong ginagawa mo rito?" halos mag salubong ang kilay ng lalaki nang lapitan sila. "Gusto kong makausap ang Hari." aniya sa mababang boses. "Para saan? Alam mo namang hindi basta-basta nakikipag usap ang kamahalan sa kahit sino." sagot naman ni Zero. "Gusto ko siyang kausapin tungkol sa amin ni Vlad. Ayoko kasing nagkakatampuhan silang mag kapatid dahil sa akin." iyon lang ang sinabi ni Hurrem nang pahintuin ng tuluyan ni Zero ang mga tauhan. "Let her go. Sige na, pumasok ka sa loob at siguraduhin mo lang na wala
Hindi mapigilang maawa at masaktan ni Hurrem nang makita ang nangyari kay Vlad. Pero desidido na talaga siyang makasama habang buhay ang binata. Kaya handa siyang ipaglaban ang pagmamahalan nila. Hindi niya rin kayang hayaan na habang buhay silang mangilag sa pamilya ni Vlad. Kaya handa siyang gawin ang lahat para lang mapatawad ng mga ito. "Anong iniisip mo?" tanong ni Vlad nang makita si Hurrem na tila tulala at malalim ang iniisip. "Wala naman. Halika na, gagamutin ko ang sugat mo." inalalayan niya si Vlad kahit kaya namang tumayo ng binata. Naupo sila sa may sala at kumuha siya ng First Aid kit. Pinagmasdan lang siya ng binata habang tahimik na nilalabas ang mga kailangan. Kumuha si Hurrem ng cotton buds at nilagyan ng bulak na may alcohol. Nilinisan ni Hurrem ang sugat sa gilid ng labi ni Vlad at nang matapos nilagyan niya iyon ng ointment. Ininda naman ni Vlad ang kaunting kirot, sa katunayan balewala sa kaniya ang sugat na iyon. Pero nang makita niya ang nag aalalang muka n
Hindi lubos akalain ng binata na makakatagpo siya ng kagaya ni Hurrem. Babaeng matatanggap ang Dark side niya at kung sino talaga siya. Kaya masaya siyang nagkakilala sila ng dalaga. Sabay silang kumain sa Dining Area at kahit paano nakakalakad na ng ayos si Vlad. Kaya naman inaalalayan na lang ito ni Hurrem. "Hayy! Hindi pa rin ako makamove on, ayos lang sa akin na gumagawa ka ng masama ang hindi ayos yung nakikita kong sugatan ka." bulong ni Hurrem. "Hayaan mo sa susunod na makaranas ako ulit ng ganun. Hindi muna ako uuwi. Para hindi ka mag alala. Magpapagaling muna ako." tugon ni Vlad pero mas lalo siyang sinamaan ng tingin ng nobya. "Tumigil ka nga, kapag ganun ang ginawa mo mas lalo akong mag aalala niyan. Kasi, maiisip ko agad baka kung ano na ang nangyari sayo kaya hindi ka nakauwi." sagot naman ng dalaga. "Masasanay ka rin na nakikita akong ganoon. Normal na tao lang rin naman ako." Makalipas ang ilang minutong paglalakad, nakarating sila sa may Dining Area at naupo. In












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments