Kitang-kita ng dalaga ang pag aalangan sa muka ng tauhan kung sasabihin niya ba o hindi. Pero nag desisyon ito na paalisin na lang siya. "Kahit sino ka pa, umalis ka na lang Ma'am. Hindi kami maaring mag tiwala. Baka ikapahamak pa namin." saad ng lalaki. "Sige na, Boss. Pakausap ako, pakisabi kakausapin ko lang siya saglit." pangungulit ni Hurrem. Itinaboy siya ng mga ito. Pero, natigilan ng makita si Zero. Isa sa mga tauhan ni Rassel na nakakakilala sa kaniya. "Stop, anong ginagawa mo rito?" halos mag salubong ang kilay ng lalaki nang lapitan sila. "Gusto kong makausap ang Hari." aniya sa mababang boses. "Para saan? Alam mo namang hindi basta-basta nakikipag usap ang kamahalan sa kahit sino." sagot naman ni Zero. "Gusto ko siyang kausapin tungkol sa amin ni Vlad. Ayoko kasing nagkakatampuhan silang mag kapatid dahil sa akin." iyon lang ang sinabi ni Hurrem nang pahintuin ng tuluyan ni Zero ang mga tauhan. "Let her go. Sige na, pumasok ka sa loob at siguraduhin mo lang na wala
Last Updated : 2025-11-07 Read more