Liza's PoV "Nakakainis ang lalaking iyon! Talagang sinusubukan Ako," reklamo ko kay Angel. Magkasama na naman kami ngayon sa Isang resto malapit sa trial court. Nagkataon kasi na narito siya at may mahalaga rin akong inasikaso rito kaya naisipan naming mag lunch ng sabay. Busy Siya sa pagkain habang Ako, halos hindi makasubo dahil sa pagra- rant. "Maghanap na lang siya ng ibang abogado!" dagdag ko pa. "Kumain ka nga muna," saway Niya sa akin habang puno ang bibig ng pagkain. Nakakaloka. Ang lakas niyang Kumain pero hindi pa rin halatabna buntis siya. " Wala akong ganang," tugon ko saka tinusok ng tinidor ang kawawang steak. "Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit ang init init ng ulo mo doon sa tao na yon, may something ba kayo na hindi ko alam?" "Wala ah!" mabilis kong tugon saka umiling iling. Buti hindi ako kinulit ng bruha na yon, at bago pa man niya ako usisain ay tumayo
Last Updated : 2025-10-13 Read more