Nagising ulit ako at narinig Kong may nagkakantahan sa may malapit sa Pampang. Bumangon ako at sumilip at Nakita ko sina Harry, at ang mga taga Isla maliban kay Aling Angie na nagkatipon sa may open cottage Nina Aling Neliza. Mukhang gusto ko rin kumanta . Paano ba patitigilin ang bagyo. Kung gusto lang ay ambon... Ohh.. Narinig Kong kumakanta so Harry at siya Rin ang nagpapatugtog ng gutara. Nang magkalapit na Ako ay napako naman ang mga mata namin sa isa't isa. Paano ba patitigilin ang... "Pagkahulog ko sayo," Aniya saka napatigil habang nakatingin pa rin sa kin. Ewan ko pero imbes na maasiwa ay para tuloy akong matutunaw. "Oh, nagising na pala si Mayang!" Ani Mang Ging ging. "Hinanap yata ang kanyang darling. First honeymoon nila sa bahay nila eh," Kantiyaw naman ni Mang Sunny. Kung kailan naman dumating Ako, ay saka naman Isa Isang nag alisan ang lahat.
Last Updated : 2025-10-29 Read more