A month later.... "Congratulations, we're so happy for you, Lily." bati ni Rose sa kapatid. "Thank you, Rose," nakangiting tugon niya sa kapatid. Nagyakapan sila. Nakatunghay at nakangiti lang sa kanila ang kanilang ama, na ngayo'y nakaupo sa wheelchair nito habang karga ang apo nito na anak ni Rose. "Sana maging okay na rin kayo ni Zards, para wedding bells na din ang kasunod," tudyo ni Lily sa kapatid. Umikot lang ang eyeballs ni Rose. "As he wish, bahala siya. Mabuti pa pumunta ka na do'n hinanap ka na ng asawa mo, halatang excited sa honeymoon niyo," ganting tudyo ni Rose kay Lily. Nagpakawala lang ng tawa si Lily. She was three months pregnant. Pwede pa kaya? Nakakatawa lang isipin. Nagpaalam muna siya sa kanyang ama't kapatid at tinungo ang kinaroroonan ng asawang si Isaac, na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito. Nang makalapit na siya sa gawi ng asawa ay ikinulong agad siya nito sa matipuno nitong mga braso. Ramdam niya ang isang braso nito sa kanyang malii
Last Updated : 2025-10-28 Read more