PAGPASOK nila sa private cabin, inalalayan si Caden ng assistant niya papunta sa sofa. Kita sa mukha niya ang pagod at pamumutla. “Sir, gusto n’yo po bang tawagan ko si Dr. Ramirez?” mahinahong tanong ni Lyndon. Umiling si Caden, pilit pinipigilan ang hilo. “No need… Where’s Talia?” “Si Ms. Marquez po nasa Cabin 4A. Si Don Ricardo po ang nagsabing makausap siya sandali,” sagot ni Lyndon, medyo nag-aalangan. Bahagyang nag-relax ang panga ni Caden. At least alam niyang hindi ito kasama ni Lucas. “Good,” mahinang sagot niya, halos bulong. Sa kabilang cabin, tahimik na nakaupo si Talia, hawak ang tasa ng kape habang kausap sa telepono si Bea. Mababakas ang kalmado ngunit tagumpay na ngiti sa mukha nito. “Well, that tactic worked perfectly, don’t you think?” ani Bea, halatang tuwang-tuwa. “One move, three effects. Nakita mo naman kung paano natigil ang party? Sayang lang, wala ka rito, pero I had it recorded. I’m going to make sure Jessica won’t get a single project again.” Sa
Last Updated : 2025-10-17 Read more