Naupo si Aries sa gilid ng kama at bahagyang napakunot ang noo. Muling sumagi sa isip niya ang matigas at hindi matinag na personalidad ni Cassie. Totoo nga ang sinabi ni Aaron, kapag ayaw nito, walang kahit sino ang makakapilit sa kanya.“Hindi mo kayang pilitin si Cassie,” malamig na sabi ni Aaron habang nakatitig sa anak. “Pareho sila ng ugali ni Melanie. The more you force her, the more she'll hate you. Kung gusto mong mapasaiyo siya, kailangan mahulog muna talaga ang loob niya sa'yo.”Nanatiling tahimik si Aries. Kahit ayaw niyang aminin, alam niyang may katotohanan ang mga salitang iyon.Pagkaraan ng ilang sandali, muling nagsalita si Aaron. Mas kalmado na ang boses nito, ngunit mas nakakatakot pakinggan.“Bilang ama mo, bibigyan kita ng isang payo. Huwag mong pilitin ang isang babaeng ayaw sa'yo. Kung tungkol naman sa kung sino ang susuko, ako ba sa pamilya Benetiz, o ikaw kay Cassie, hayaan na nating panahon ang magdesisyon.”Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Aaron. “Ting
Read more