"Karrim told me that Fuentebella helped you, he told me where you live." Mabilis nitong sagot.Naipilig ni Ysha ang ulo na nakatingin kay Zarim. Hindi niya alam kung totoo ba iyon o hindi."Okay." Tugon niya na may kasamang kibit balikat. Hindi na siya nag usisa pa.Bumaba na din ito ng motor matapos maiayos ang pagkakaparada."Kukunin ko lang ang susi ng kotse." Mabilis na pumasok siya sa loob hindi pa man ito nakakasagot. "Salamat sa paghatid sa akin, your majesty. Ingat sa pagbalik ng palasyo."Tumango na lamang ito at hindi sumagot. Kinuha nito sa kanya ang susi.Nakasunod na lang ang tanaw niya dito hanggang sa sumakay na nga ito ng kotse. Lumingon pa ito sa kanya kaya kumaway siya.Tumalikod na din siya ng umarangkada na ito paalis.Papasok na ng tinitirahan niya ng bigla siyang nakarinig ng langitngit ng gulong kaya siya napalingon.Mabilis niyang nilapitan ang hari.Kinatok ang bintana nito dahil nakita niyang nakayuko ang hari sa manibela."Are you okay, your majesty?" Nag aa
閱讀更多