Gusto pa sana niyang ipagpatuloy ang pag eensayo ay nawalan na siya ng gana. Kinuha ang damit at pumanhik na sa kanyang sariling silid. Nagpahupa ng pagod bago naligo.Papalabas na siya sa silid niya matapos maligo ng mabungaran niya ang papasok na si Shantal. Kakabalik lang nito sa kung saan man talaga ito galing. Masama ang naging tingin nito sa kanya."Huwag mo akong tignan ng ganyan, Shantal." May pagkairitang sita niya sa kambal at nagtuloy sa paglabas at sinalubong ito. "Umuwi kanina dito si Ama at hinahanap ka. Sinabihan ako na dapat kitang ihanda para isama bukas sa palasyo." Pagpapaalala niya dito dahilan para muli siyang tapunan ng masamang tingin.Muli na naman siyang nagpakawala ng buntong hininga. Hindi niya nakikita ang Shantal na laging sweet sa kanya kung pakitunguhan siya."Alam mong hindi ako pumayag, Ysha." Pasigaw nitong turan."Oo, alam ko. Kaya nga sinasabihan kita ngayon. Nagpaalam ako kay Ama na aalis bukas. Ikaw? Nakausap mo na ba ang ama ng ipinagbubuntis mo?
Read more