Seraphin Amara's POV: "Leander, Hijo, kumusta—oh, who's this girl?" tanong ng isang babae na lumapit sa amin nang makapasok na kami sa Met Gala main hall. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya mukhang matanda, siguro mga animnapu pa, ngunit may kakaibang aura ng elegance. Eleganteng suot niya ang itim na damit, na bumagay sa kaniyang palamote sa mukha. "Hi, Nonna..." sabi ni Mr. Sylvara, bago sila nag-beso-beso. Ngunit ang tingin ng babae ay hindi pa rin humihiwalay sa akin, tila sinusuri bawat galaw ko. "Who is she?" muling tanong ng babae kay Mr. Sylvara, at sa wakas ay tumingin na rin siya kay Mr. Sylvara. "Nonna, meet my girlfriend, Seraphina. Seraphina, this is my grandma, Rosavine Sylvara—my father's mother." Nginitian ko si Ma'am Rosavine, ngunit may halong pag-aalinlangan at takot ang aking mata. "H-Hello po, Ma'am. Good evening," Maingat kong bati, at inilahad ko na sana ang kamay ko upang makipagkamayan, nang biglang humarang si Mr. Sylvara.
Huling Na-update : 2025-11-02 Magbasa pa